Si Kevin Love, kabisado nang bubuwelta si LeBron James sa Game 2 ng Eastern Conference finals ngayon sa Boston. Si Celtics coach Brad Stevens, inaasahan na rin ang mas mabangis na LeBron na tumikim ng pinakamasagwang talo sa kanyang postseason career.
“I think we’re very alert to the fact that we’ll get a heavyweight punch on Tuesday night,” ani Stevens pagkatapos ng 108-83 win ng Boston sa Game 1 noong Linggo. “It’s another great challenge, another great opportunity to experience something for this team.”
Si Love, bounce-back James na ang bukambibig.
“I expect him to have a big response,” pahayag ni Love nitong Lunes. “He’s always done it. Even before he came back to Cleveland and since I’ve been here he’s always responded big.”
Si Cavaliers coach Tyronn Lue, pinag-iisipang balasahin ang lineup. Pinagbabalakan niyang isingit si Tristan Thompson matapos mambarako si Al Horford ng Boston sa Game 1 nang umiskor ng 20 sa 8 of 10 shooting.
Pinunto ni Lue na sa nakalipas na taon, si Thompson ang No. 1 sa liga sa pagdepensa kay Horford.
Off the bench si Thompson noong Game 1, kung magbabalasa si Lue ay magagalaw ang three-guard lineup nina JR Smith, George Hill at Kyle Korver, kasama sina James at Love.
Na-outscore ng Boston ang Cleveland 60-38 sa paint. Senyales iyon na kailangang mas maging maangas ang support cast ni James, ayon kay Smith.
Simple lang ang estratehiya ni Thompson kay Horford: Takbuhan, mag-set ng pick-and-rolls at pagurin sa magkabilang dulo para pagdating ng second half ay bibigay na ang tuhod, mahihirapan nang bumato ng 3s.