Resignation ni Dureza, ehemplo ng delicadeza — Palasyo

Isa umanong magandang halimbawa ng pagkakaroon ng delicadeza ang pagbibitiw ni Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Jesus Dureza.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na inako ni Dureza ang responsibilidad sa ginawang kalokohan ng kanyang mga tauhan na ini­lagay sa ahensiya.
Nalulungkot aniya ang Malacañang sa pagbibitiw ng kalihim pero ipi­nakita nito ang tunay na kahulugan ng delicadeza sa gobyerno.
“His resignation has set a concrete example and put a true meaning to the value of delicadeza and morality in governance. This is leadership by e­xample,” ani Panelo.
Pinasalamatan ni Panelo si Dureza sa mga naitulong sa administrasyon lalo na ang naiambag nito sa peace process.
“We take this occasion to thank Sec. Dureza for the services he rendered to the nation, particularly under the Duterte administration, where he assisted the President in walking the extra mile in advancing peace for the good of our nation and all Filipinos,” dagdag pa ni Panelo.