Ni Archie Liao

Halos pareho ang kapalaran nina Angel Locsin at Liza Soberano.

Pareho silang nai-consider para lumabas na Darna subalit for some medical reasons, pareho silang nag-back out na gawin ang Pinoy superheroine na nilikha ni Mars Ravelo.

Masakit para kay Liza na hindi niya nagawa ang ‘Darna’. Dream ito ng sinumang leading lady dahil sa iconic ang character na ito.

Dahil sa bali sa daliri na tinamo niya habang ginagawa ang fantaseryeng ‘Bagani’ noon na hindi pa tuluyang gumagaling, nag-beg off si Liza sa proyekto.

Timing naman na may isang netizen na nag-tweet tungkol kay Angel kung saan ipinakita pa nito ang aktres in a full Darna costume noong 2005.

Naiintindihan ni Angel ang pinagdadaanan ni Liza kaya humiling siya na igalang ang pinag-dada-a­nan ng girlfriend ni Enrique Gil.

“Kung titignan mo yung post, makikita mo yung mea­ning. Hindi tungkol sa akin. Let’s show respect sa pinagdadaanan ni Liza ngayon. Salamat,” pakiusap ni Angel sa kanyang reply sa tweet ng nasabing netizen.

Dahil dito, umani ng papuri ang bida ng ‘The General’s Daughter’ sa ginawa niyang pagtatanggol sa kalagayan ni Liza.

Heto ang mga tweets ng papuri sa kanya: “Thank you Ms. Angel, you have shown respect during the whole time & it means a lot to Liza. God Bless you!! “

“Thank you for speaking in her behalf. You and Liza are the true to life Darna of this generation!”

“Tama! Respect po para sa magkabilang partido. Ndi nmn nila ginusto na mareject c darna. Isang malaking bagay mpgkatiwalaan ng bato. Pro valid nmn ang rason eh. Specially for liza. Ngadjust xa para mptunayang kaya nya ang role pro wala naaksidente sya sa bagani. Pagaling kayo.”