Binigyan ng Cavaliers si LeBron James ng video tribute sa unang balik nito sa Cleveland matapos tumawid sa Los Angeles Lakers noong Hulyo.

Iba na ang kulay ng jersey ni LeBron, pero ganu’n pa rin kainit ang pagtanggap sa kanya ng Cleveland.
Sa unang laro ni James sa Cleveland matapos lumipat sa ­Miami noong 2010, kontrabida siya sa fans. Iba ang reception ngayon.

Paglabas ng locker room, sinalubong na agad si LeBron ng standing ovation. Lumapit pa siya at nakipagkamay kay Cavs coach Larry Drew.

Pumailanlang ang video sa first timeout ng first quarter ng Cavs-Lakers game Miyerkoles ng gabi.

Tumagal ng halos 2 minutes ang tribute, pinakita ang highlights ng huling apat na taon ni James sa Cleveland nang bumalik mula Miami. Tampok rito ang championship run ng Cavs noong 2016 para ibigay sa lungsod ang unang kampeonato sa alinman sa tatlong major sports sa US makalipas ang 50 taon.

“Thank you but we all know it’s bigger than basketball,” flash sa malaking video screen sa Q Arena, huling na­ging tahanan ni LeBron mula 2014 hanggang 2018.

Pati ang kanyang charity works, kasama ang itinayong ‘I Pro­mise School’ sa kanyang hometown sa Akron, Ohio para sa mga underprivileged kids sa Ohio ay pinakita.

Nakaupo sa ­Lakers bench si James, seryosyong pinapanood ang video tribute.

Tinapos ang tribute sa nai-flash na “Thank you LeBron” at naglakad sa court si James, suma­ludo sa fans nang nakangiti.

Ang diehard LeBron fans, hindi nagpahuli.

Pinagtagpi ang wine-colored Cleveland jersey at yellow girl ng La­kers para mabuo ang LAKLAND at CLEVERS, kasama ang No. 23.