Respetuhan

Patuloy na umiinit ang usapin sa plano ng Department of Health (DOH) na pamumudmod ng condom sa mga eskuwelahan partikular sa mga nasa fourth year high school.

Sa katunayan, hindi lamang si DOH Secretary Paulyn Jean Ubial ang nakuyog sa hakbanging ito kundi maging ang ilang mamba­batas na tutol sa gagawing pamamahagi ng condom ng DOH sa mga eskuwelahan ay ­nababanatan na.

Hindi maiiwasan ang ganitong bangayan sa usaping ito na lalong nagniningas sa social ­media dahil sa palitan ng opinyon o paniniwala sa gagawing hakbang ng DOH.

Ang ating apela sa dalawang panig na nagtatalo sa gagawing ­programa ng DOH ay pairalin sana natin ang respetuhan.

Igalang natin ang pananaw ng bawat isa dahil may kani-kaniya ­tayong paniniwalang sa usaping ito.

Dahil may kani-kaniyang paniniwala, napakahalagang irespeto at kilalanin natin ang opinyon ng bawat isa, sapagkat naniniwala kaming walang tama o mali sa usaping ito.

Kaya nga lamang kailangang magdesisyon sa usaping ito na nakikitang solusyon ng DOH para maresolba ang problema sa lumulobong ­bilang ng kaso ng may HIV, AIDS at iba pang sexually transmitted disease ay mahalagang ang desisyon ng nakararami ang kilalanin o isaalang-alang.

Hangad natin ang tagumpay ng DOH sa kanilang layuning maiwasan ang pagkalat ng nasabing uri ng mga sakit pero sana ay matuto silang ­kumilala sa pananaw ng nakararami at iyong ang gamitin nilang basehan sa pagpapatupad ng mga programa para hindi nababatikos bilang bahagi ng pagkilala sa demokrasyang ating tinatamasa.