Iyan ang operative phrase na maglalarawan sa Duterte administration lalo na kung ikukumpara sa nakaraang Aquino administration.

In the case of OFWs, ang example na in-touch ang kasalukuyang gobyerno sa needs ng mamamayan ay ang pagtanggal na sa terminal fee sa cost of plane tickets ng OFWs.

Sa Marso ay effective na ‘yan matapos mag-agree ang mga airline in principle sa gustong mangyari ng bagong liderato ng Manila International Airport Authority (MIAA).

MIAA order

Sa totoo lang, hindi naman pwede na hindi mag-agree ang mga airlines dahil kung hindi sila madadaan sa pakiusap eh pwede naman mag-isyu ng order ang MIAA.

I bet that you, readers and followers, remember na ang MIAA rin noong Aquino administration ang nagpasimuno ng paniningil ng terminal fee sa OFWs na labag sa Migrant Workers Law.

Eh matigas ang ulo ng dating MIAA head. Sinabihan na ng Senado at House na bawal ‘yung pagsasama ng terminal fee sa plane ticket costs ng OFW eh sige pa rin sila.

The MIAA taketh

So, the MIAA taketh what the MIAA giveth. Pasen­siya na sa Old English ha pero swak na swak ‘yan.

‘Yung Aquino-circa MIAA ang nagbigay (giveth) ng sakit ng ulo sa OFWs at ngayon ay ang Duterte-era MIAA ang nagtanggal (taketh) ng sakit ulo sa OFWs.

Para rin iyang isyu ng tanim-bala sa NAIA noong nakaraang administrasyon: ‘Yun pang mga nahuhuli (pati senior citizens) ang sinisi ng Aquino admin kaysa ‘yung mga tiwaling NAIA police personnel na obvious naman na kotong ang peg ng pagtatanim ng bala.

Pakain-bala

Simple lang ang sinabi ni President ‘di ba? Papa­kain ko sa inyo mga bala na ‘yan. So, meron pa bang tanim-bala ngayon? Wala na ‘di ba?

Balik tayo sa terminal fee issue. Ang bilis ng mga pangyayari. Nagsalita ang Department of Transportation (DOTr) sa ilalim ni Secretary Arthur Tugade laban sa terminal fee inclusion sa OFW plane tickets.

Hayun, biglang sumegunda ang MIAA na ititigil na nga raw ang practice na ‘yun. The next day, nagsalita na mga airlines.

Now this is what we are talking about: Action!!!

***

Come Follow me on Twitter @beeslist or call 551-5163 or email usapang_ofw@yahoo.com. Happy weekend folks.