Arestado ang tatlo katao matapos maaktuhang nagpa-pot session sa loob mismo ng isang bar and restaurant sa Rosario, Cavite kahapon ng mada­ling-araw kahapon.

Ayon sa Rosario Municipal Police Station, nagsagawa sila ng Oplan Bakal sa Doña Goyi Buil­ding sa Barangay Bagbag 2, ngunit imbes na baril, droga ang nasabat ng pulisya sa mga suspek na sina Francis Jay Reyes, 39-anyos, tubong Sta. Monica, Hagonoy, Bulacan, kostumer sa nasabing bar.

Kasamang inaresto ang mga ka-jamming nitong mga bar girl na sina Angeline Cacha, 36 at Carmina Velasco, 21.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang pirasong heat sealed transparent plastic sachet ng shabu at mga drug paraphernalia na nakalatag pa sa mesa.

Tumangging magbigay ng pahayag ang mga naaresto hinggil sa pangyayari.

Isasailalim naman sa pagsusuri ng PNP crime lab office ang mga nakumpiskang ebidensya sa mga ito.