Retiradong pulis patay sa Iloilo buy-bust

Isang retiradong pulis ang nasawi matapos manlaban sa pag-aresto sa kanya sa isang buy-bust ope­ration sa Jeferson Village, Barangay Pali Benedicto, Mandurriao, Iloilo City.

Tadtad ng tama ng punglo sa katawan ang ikinamatay ni retired SPO1 Wilson de Leon.

Ayon kay Sr. Insp. Adolfo Pagharion, hepe ng Mandurriao Police Station, isang buwan ang ginawang pag-monitor kay De Leon bago isagawa ang buy-bust.

Pinaputukan ni De Leon ang poseur buyer na nakatransaksiyon nito, dahilan upang balikan ng opera­tiba at tinamaan sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Malawak ang area of operation ni De Leon na sumasakop sa mga bayan ng Estancia, Carles at Passi City sa Iloilo gayundin sa Capiz at Kalibo sa Aklan.

Nakumpiska ang shabu na tinatayang halagang P15,000 mula sa suspek.