Retired general protektor ni Dayan

Ibinunyag ng National Bureau of Investigation (NBI) na isang retiradong heneral na nakabase sa Luzon ang nagkakanlong sa dating bodyguard at driver ni Senator Leila de Lima na si Ronnie Dayan.

Ayon kay NBI Spokesman Atty. Ferdinand Lavin, patuloy ang operasyon ng iba’t ibang team ng NBI para beripikahin ang nagdadatingan na impormasyon kaugnay sa kinaroroonan ni Dayan.

“As of this morning, one team told that they have a very good leads,” ayon kay Lavin.

Tumanggi naman si Lavin na idetalye ang ginagawang operasyon ng NBI sa pangambang masunog ang trabaho ng mga ahente ng NBI.

Tiniyak ni Lavin na mananagot ang mapapatunayan na nagkakanlong kay Dayan.