Todas ang isang retiradong guro matapos siyang gilitan sa leeg ng dalawang Grade 10 at ninakawan pa ang una ng motorsiklo sa bayan ng Tayug, Pangasinan nitong Miyerkoles.

Kinilala ni Tayug Police Station officer-in-charge commander Police Maj. Wilmer Pagaduan ang biktimang si Arnaldo Tabucol, dating guro.

Ang dalawa namang menor de edad na Grade 10 na ‘di na pinangalanan ay nasa pangangalaga na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Tayug.

Sa inisyal na imbestigasyon, pagnanakaw ang isa sa motibo ng pagpatay kay Tabucol dahil nawawala ang mga importanteng kagamitan nito pati na ang motorsiklo na siya umanong ginamit ng mga suspek sa pagtakas.

Ang bangkay ng guro ay nakitang duguan ng kanyang mga kaanak sa kanyang tinitirhan. (Allan ­Bergonia)