Retirement ni Carter napadali

Tagos ang mensahe sa Instagram ni Atlanta Hawks forward John Collins para sa teammate niyang si Vince Carter.

Walang kasiguruhan kung matutuloy pa ang 74th NBA season, kung hindi ay farewell game na ni Carter ang laro ng Hawks kontra New York Knicks sa Atlanta noong Miyerkoles.

The end na ang Vinsanity kapag nagkataon.

Sinabi na noon ni Carter na last season na niya ngayon, magreretiro na pagkatapos ng record na 22 seasons sa NBA.

“Still praying it doesn’t have to end like this….But regardless, I wanted to let you know you are truly appreciated,” caption ni Collins sa picture nila ni Carter, nagkakamay at parehong nakangiti.

“From a child watching in awe, to young man able to share this amazing journey with you. 22 years in, and still willing to lay it all in the line. Thank you VC, you will be missed. #MasterYoda #LivingLegend.”
Ipinanganak si Collins noong Sept. 23, 1997, sumunod na taon ay nagsimula ang career ni Carter sa Toronto Raptors.

Miyerkoles din nang suspendihin ng NBA ang season pagkatapos magpositibo sa coronavirus si Rudy Gobert ng Utah Jazz.

Kumalat ang balita, napag-isip-isip ng mga nasa State Farm Arena na posibleng last dance na ‘yun ni Carter kaya hinimok si Hawks coach Lloyd Pierce para ipasok ang 43-anyos na veteran.

Tumugon si Pierce, ipinasok si Carter sa final seconds habang abot-kamay na ng New York ang overtime win.

Hindi na binantayan ng Knicks si Carter, pinabayaang tumira sa 3-point range nang i-set up ni Trae Young.

Pasok ang 3, posibleng huling tira na ng career ni Carter. (VE)