UAAP | Return engagement

Nakawala si Thirdy Ravena kahit bumagsak si Ateneo teammate Vince Tolentino mula sa depensa nina Kenneth James Tuffin at Arvin Dave Tolentino sa 80th UAAP semis knockout game nila kagabi sa MOA Arena sa Pasay. (Joaqui Flores)

Sa Ateneo pa rin ang huling puwesto sa finals matapos sipain ang FEU, 88-84, sa overtime Miyerkoles ng gabi sa UAAP Season 80th semifinals sa Mall of Asia Arena.

Nakawala si Thirdy Ravena kahit bumagsak si Ateneo teammate Vince Tolentino mula sa depensa nina Kenneth James Tuffin at Arvin Dave Tolentino sa 80th UAAP semis knockout game nila kagabi sa MOA Arena sa Pasay. (Joaqui Flores)
Nakawala si Thirdy Ravena kahit bumagsak si Ateneo teammate Vince Tolentino mula sa depensa nina Kenneth James Tuffin at Arvin Dave Tolentino sa 80th UAAP semis knockout game nila kagabi sa MOA Arena sa Pasay. (Joaqui Flores)

Bayani ng Blue Eagles sila Matt Nieto at Isaac Go sa pinakitang puso sa paglalaro na hanggang sa huli ay hindi sumuko.

Dikit at talagang pinakita ng magkabilang koponan ang tunay na laro sa do-or-die game.

Iniskor ni Nieto ang limang sunod na puntos at hinawakan ng Ateneo ang 85-80 may 46 seconds na lang sa orasan.

Maraming pagkaka­taon para maipanalo ang laro para sa magkabilang koponan pero hindi naging epektibo at kinaila­ngan pa ng extra five minutes bago nagkaalaman.

Dahil sa open layup ni Jasper Parker at dalawang free throws ay nakalamang ang Tamaraws, pero pagbalik ng bola sa Ateneo ay naka-tres si Go 8.5 seconds na lang.

May tsansang maipanalo ni Arvin Tolentino ang FEU pero nawala sa kanya ang bola.

Muling maghaharap ang mortal na magkaribal na La Salle at Ateneo sa Sabado para sa Game 1 ng finals 4 p.m. ng hapon sa Pasay venue rin.