Kung desidido ang administrasyon sa kanilang ambisyosong ‘Build, Build, Build’ program, dapat simulan nila ito sa revamp sa Bureau of Customs (BOC).
Itinulak ito ni Senate Minority Leader Franklin Drilon dahil hindi aniya makakamit ng gobyerno ang minimithing revenue upang matustusan ang higanteng infrastructure program kung talamak ang corruption sa nasabing ahensya.
Ginawang halimbawa ni Drilon ang paglusot sa Green Lane ng 604 kilo ng shabu mula China noong Mayo na nagkakahalaga ng P6.4 bilyon. Ang nasabing shipment ay nailabas ng BOC at naibiyahe sa dalawang warehouse sa Valenzuela City bago nakakuha ng tip ang BOC sa China na shabu ang laman ng inangkat na cylinder.
“The government can no longer rely on the current leadership of the Bureau of Customs to collect taxes necessary to fund the government’s programs, particularly big-ticket infrastructure projects that the government has outlined under its ‘Build, Build, Build’ program,” giit ng senador.
Gamit ang datos mula sa gobyerno, binanggit ni Drilon na ang koleksyon lang ng buwis ng BOC sa unang anim na buwan ng 2017 ay P210.64 bilyon, kapos sa target nilang P218.81 bilyon. Sa taong ito, ang target ng BOC ay makakolekta ng P468 bilyong revenue.
Kung kapos sa koleksyon ng buwis ang BOC, mahihirapan ang gobyerno na tuparin ang kanilang mga pangako tulad ng kanilang ‘Build, Build, Build’ program.
Aniya, kung napigil lang ang corruption at smuggling sa BOC, hindi na sana itinutulak ngayon ng administrasyon ang panukalang batas upang patawan ng P6 excise tax ang produktong petrolyo, mga bagong sasakyan, P10 kada litro sa mga softdrinks, kape, matatamis na inumin at iba pa.
“Incompetence and complacency has no place in the government especially in an agency as crucial as the BOC. Those who were involved in the shipment of this unprecedented P6.4 billion worth of shabu should be made accountable,” giit ni Drilon.
“A major revamp in the custom is made necessary by what happened. We can no longer trust the incompetence of its officials led by Commissioner Nicanor Faeldon,” hirit pa ng senador.
malapit na masakote ni Faeldon ang kanyang mga tauhan na gumagawa ng corruption sa custom,,,,bigyan natin ng pagkakataon na matutunan ni Faeldon paikot ikot ng trabaho sa custom,,,lahat naman tayo nagsisimula sa posisyong hindi natin kabisado,,,,sino bang commissioner na nagsimulasa custom na alam na agad agad ang pasikot sikot sa custom….ang mahalaga hindi corrupt si faeldon kaya maghintay lang tayo ng tamang panahon,,,,