Mangangailangan ang Pilipinas ng qualified workers para sa liquefied natural gas (LNG) project nito na may initial funding na US$1 billion.

Halos nasa isang daan ang required work pool dahil ang proyekto ng Philippine National Oil Co. (PNOC) ay may distribution system at sto­rage facility.

So, the question is where will we get the needed skilled workers?­ After all, as a highly cri­tical energy project, this must be immediately made operational.

Downsizing

Ang sagot? Sa oil-rich countries tulad ng Qatar, Oman, United Arab Emi­rates (UAE) na nag-eempleyo ng OFWs sa katulad na areas of operations. Why look at the Middle East (M.E.)?

The short of it is mas madali na kasi i-train sa LNG ang mga may experience na sa petroleum sector. Likewise, sa pagbaba ng presyo ng pet­roleum products, may downsizing ng oil sector workforce ngayon sa M.E.

In a way, reverse migration ang magaganap kung magtatagumpay tayo na makumbinsi ang concerned M.E. OFWs na bumalik ng bansa upang magsilbing backbone ng ating LNG industry.

Come/on

To scout for talents, pakikilusin ng pamahalaan ang ating embassies sa mga nasabing bansa. Surely, kailangan na highly competitive ang re-numeration offers ng ating LNG sector kung kukumbinsihin ang OFWs sa M.E. na sa ‘Pinas na magtrabaho.

Siguro ay isa sa come – on ang longevity ng project kumpara sa contractual nature ng trabaho ng OFWs. Bukod diyan ay ang pagtatrabaho malapit sa pamilya.

In line sa mga manpo­wer requirement, napakahalaga talaga ang pagkakaroon ng manpower re­gistry sa buong bansa – both ng locally at internationally employed workers.

Parang Google

Kapag may database na kasi tayo ng workers ay madali na ang paggamit sa Google para maghanap ng workers to match job vacancies.

Ang database ay dapat regularly updated to be relevant at effective as an economic or labor-matching tool.

Come follow me on Twitter @beeslist or call 551-5163 or email usapang_ofw@yahoo.com for your comments and questions.