Dahil sa ipinapakitang tikas ni junior cyclist Rex Luis Krog ng Go For Gold Philippines ay lalong ginanahan si project director Ednalyn Calitis Hualda na maghubog at magbigay pa ng mga oportunidad para sa mga batang siklista.
Ayon kay Hualda, naka-pokus ang Go For Gold sa pag-develop ng batang riders tulad nina Krog at Ean Cajucom upang makapagpadala ang Philippine cycling ng riders na lalahok sa 2020 Tokyo at 2024 Paris Olympics.
“Besides aiming to fulfill our dream to see a Filipino cyclist in the Olympics, our goal is to provide more opportunities for less fortunate young riders to flourish and improve their lives,’’ saad ni Hualda.
Nagwagi si Krog sa Tour of Matabungkay 2018 sa Lian, Batangas, kasama niyang pumedal ang kakampi niya sa Go For Gold na si Cajucom.
Nirehistro ni Krog, 18, ang pitong oras, 11 minuto at 13.45 segundo, sapat upang tanghaling overall general classification at masilo ang titulo.
Lumanding sa fourth si 16-year-old Cajucom, may dalawang minuto at 21 segundong agwat sa nanalong si Krog.
Sunod na kaskas ni Krog ay ang three-day Tour de Linggarjati sa West Java sa Oct. 25-27 bago tumungo sa Indonesia na isa ring mahirap na karera.