Batak na sa ensayo simula Hunyo 3 ang PH national women’s volleyball team para sa 30th Southeast Asian Games 2019 sa Nobyembre 30-Disyembre 11 sa bansa.

“We will start the training of the women’s team this coming Monday, June 3,” binahagi ni Larong Volleyball sa Pilipinas Inc. president Pedro ‘Peter’ Cayco nitong Miyerkoles.

Aniya, ngayong Mayo na dapat sinimulan ang training ng national volleybelles. Pero pinagpahinga muna nila ang ilang manlalaro tapos ng Philippine Super Liga, National Collegiate Athletic Association at University Athletic Association of the Philippines.

Naging bahagi ng 7th PSL Grand Prix finals sina national players Mika Reyes, Dawn Macandili, Denden Lazaro, Aiza Maizo-Pontillas, Frances Molina, team captain Aby Maraño at coach Cesael delos Santos.

“The training will be M-W-F and we expect it to intensify as the tournament draws near,” wakas ni Cayco. (Janiel Abby Toralba)