Halos isang buwan bago muling magbukas ang Philippine Super Liga ay marami pa ring malalaking development ang nagaganap sa mundo ng volleyball.

May mga espekulasyon na ang mga fans kung bakit tila missing in action ang 5-11 middle blocker sa mga pictures ng Cargo Movers na pinopost sa social media kaya kahapon,

Biyernes, ay binasag na ni Reyes ang kanyang pananahimik.

Pormal nang pumirma ang former La Salle star sa Petron noong Miyerkules kasama si San Miguel Corp. sports director Alfrancis Chua at kanyang agent na si Charlie Dy.

Aminado si Reyes na isa ito sa mga pinakamahigpit na desisyon na ginawa niya sa kanyang buong volleyball career.

“It’s a very tough decision for me,” pahayag niya. “Pero Petron has laid out a plan not just for me but for my volleyball career but also for my family.”

Sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng anim na taon ay kakawala si Reyes sa anino ng kanyang long-time mentor na si Ramil de Jesus na naging coach niya sa La Salle at F2 Logistics.

Sinundan niya ang yapak ng mga dating La Salle players na sina Michele Gumabao at Mel Gohing na lumipat sa Philips Gold at Aby Maraño na nauna nang tumawid nang bakod sa Petron bago bumalik sa poder ni de Jesus.

Makakasama ni Reyes sina Aiza Maizo-Pontillas, Bang Pineda at Ces Molina sa Tri-Activ Spikers.