Standings
Rain or Shine 4 1
Alaska 3 1
*Meralco 3 1
TNT 4 1
*Magnolia 2 1
GlobalPort 3 2
Columbian 3 3
Phoenix 2 2
Ginebra 1 2
NLEX 1 4
SMB 0 2
Blackwater 0 6
*Naglalaro pa kagabi
Laro ngayon (Dumaguete City)
5 pm – Alaska vs. SMB
Hindi nagpatinag ang TNT KaTropa kahit pa walang import nang ibaon ang Blackwater Elite 120-101 Biyernes ng Gabi sa PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Sa Linggo pa darating si Joshua Smith na kapalit ni Jeremy Tyler, napilitan si coach Nash Racela na maglaro ng all-Filipino. May kontrata pang tinatapos sa Kyoto Hannaryz sa Japan si Smith.
Naging epektibo ang 6-foot-10 na si Smith sa TNT noong nakaraang taon sa parehong conference, nagawa nitong akayin ang Texters hangang finals pero nabigo sa powerhouse team San Miguel Beermen.
Hindi naabot ni Tyler ang inaasahan sa kanya ng KaTropa, natalo pa sa Alaska Aces noong Linggo 100-110.
Maaga rin nawala ang bagong Katropa na si Terrence Romeo matapos nitong ma-sprain sa last 1:12 ng second quarter at hindi na ito muli pang nakabalik sa laro pero nakapag-ambag pa rin ng 12 points, four rebounds, two assists sa 15 minutos na inilaro.
Tulong-tulong ang locals para ihatid ang TNT sa 4-1 baraha, nanguna sa atake si Ryan Reyes na may 18 points, nagposte ng double-double na 17 points at 11 rebounds si Troy Rosario. May 15 markers din si Roger Pogoy at tig-14 sina Anthony Semerad at Jayson Castro.
Nabaon pa lalo sa 0-6 ang Blackwater na maaaring maghanap na rin ng bagong reinforcement kapalit ni Jarrid Famous.