GAMIT na gamit ni Maxine Medina ang puhunan niyang ganda.
Talaga namang lumaban ito, hindi nagpakabog sa levels of competition na kasali siya.
Maging masaya na tayo na pumasok ang ating kandidata sa top six.
Of course, ang kanyang nakakahilo, saang hangin nanggaling ang sagot na ‘yun sa question and answer portion?
Hahayaan ko na lang na ang iba ang humimay at magdiskurso. Basta after hearing her answer, alam na alam na she did not nail it.
Sana, ang bashers & haters will be kinder to her, at ‘wag na siyang-i-crucify.
Tutal, she did make her mark as the Reyna ng Sablay or Lady Ligwak.
***
Sa ibang top six Thank You Girls, nanghihinayang ako kay Ms. Kenya, Mary Esther Were.
She reminded me of a young Ms. Diana Ross.
Bonggacious siya sa three level of competitions at bet na bet ko ang red gown niyang parang may gills sa bewang.
Crown ready ang kanyang hair do pero hindi siya destined to win.
She got the most politically loaded question. Pinakamahirap ang tanong niya.
***
Sad din ako na Ms. Thailand did not make it to the top three. Itong si Chakita Sansuane ang pinaka-Universal looking amongst the candidates na nakatayo sa stage.
Ang bearing, regal na regal at pangabog ang black polka dot long gown nito inspired by their Queen.
Maayos ang sagot niya Q and A kaya lang, parang may halong kiyeme latik na ‘di mawari.
Panalo pa naman ang sob story niyang coming from an economically disadvantaged family.
Still, hindi makakalimutan ang fact na she had 17 suitcases at tila lahat ng laman of those suitcases, gamit na gamit niya up to the top six.
***
Hindi madali ang final question para sa top three.
Ang tanong, “Name something over the course of your life that you failed at, and tell us what you learned from that experience.”
Ang kuda ni Ms. Colombia, Andrea Tovar, parang rehearsed na rehearsed at very generic na sagot.
Hindi niya na-relate sa kanyang sarili at buhay ang tanong.
Ang hanash ni Ms. France, Iris Mittenaere, na mukhang youngish French version ni supermodel Cindy Crawford, slightly pasok sa banga ang sagot.
Ang ganda-ganda niya kahit hindi ko maintindihan ang sagot niya na parang maski interpreter niya, hirap i-interpret.
Ang sagot ni Ms. Haiti, na parang ang beauty ay Wilma Doesnt meets Bb. Gandanghari meets ‘Di Kagandang Bisyo meets Ms. Gloria Diaz, siya ang may best answer.
Juice colored, anyone who survived an earthquake is living proof na this lady is not a failure, she will never be one and she is destined to do greater things in her life and for her country.
***
Second runner up si Ms Colombia.
At hindi maitago sa facial expression nito na hindi siya ang tinanghal na Ms. Universe.
Parang umasa siya in a major-major way.
First runner up ang pagkatangkad-tangkad na si Ms. Haiti. Exotic kasi masyado ang kanyang kariktan.
At ang pinakamaganda sa Sangkalawakan na tiyak na hindi magdadabog ang bangs ng mga Pulis Pangkalawakan, si Ms. France.
I think Ms. Mittenaere is a worthy successor of our very own Ms, Universe, Pia Wurtzbach kasi ang ganda nito’y mapanghalina, iba ang alindog.
Magaan tingnan, malambot na malambot ang features at what she exudes, ibang klaseng mega-watt ganda.
With her round eyes at all womanly vibe that she exudes, viva la France!