Rhea Tan ayaw mapagod sa pag-ayuda

NI: ROLDAN CASTRO

Ibang klase talaga ang Beautederm CEO and President na si Ms. Rhea Anicoche-Tan. Hindi lang mga frontliner at mga tauhan niya ang tinulungan gayong lockdown kundi pati ang mga ambassador niya . Ganoon din ang mga kaibigan niyang movie press.

Maraming inaayudahan si Ms. Rei na mga frontliner sa Angeles, San Fernando, Pampanga, Bulacan, Vigan, Laoag City,Tagum City atbp.. Ito’y sa pamamagitan ng kanyang ContriBeaut Foundation.

Post ng actor-politician na si Alex Castro, “Munting handog na Alcohol, Face mask at Beautederm Hygne kit para sa ating mga magigiting na Frontliners na nasa PDM Quaratine Facility ng bayan ng Marilao ❤️#BokalNgMasa”

Sa Instagram account naman ni Tutti Caringal ng 6 Cyclemind @tarantutti, “Salamat @beautedermcorporation ! Diko inexpect mam @missrheatan ! Thank you thank you! 🤘🙏❤️”

Nag-donate si Ms. Rei ng alcohol at hygiene kits para sa frontliners
ng Cabuyao Laguna thru Konsehal Tutti.

Sey naman ni Darla Sauler, “Flex ko lang our dearest Ate ReíRamos Anicoche Tan, Beautéderm’s boss. Non-stop siya sa pagpapa-abot ng tulong sa ating frontliners at mga kababayan in need. Pati sa amin, siya na ang nagbigay ng ayuda. Grabeee. Sorry Ate pinost ko! Pero God bless you more! #BeautéWithAHeartAndPurpose.”

Feeling blessed naman si Kitkat.

Post niya sa kanyang IG account @ KiTKAT Favia, ”Maraming Maraming Salamat sa pa ayuda mo aming Mommy Boss ReíRamos Anicoche Tan of @beautedermcorporation sobrang malaking tulong po ito pambili ng makakain namin at tulong sa mga bayarin. Aaminin namin hirap na din kami. Maraming Salamat dahil nkakatulong ka po sa marami at kami ay di mo nakakalimutan! naiiyak ako! I am truly blessed na hindi lang endorser nyo but tinuturing na pamilya! Salamat po talaga i love you.”

@Rochelle Barrameda Labarda, We are so blessed to have you BFF! Thanks so much for all the love and care! God bless you more! Remember that we luv yah very much! 😘😘😘”

Ayon naman kay Anne Feo :”There never was any heart truly great and generous, that was not also tender and compassionate.Thank you so much Sissy ReíRamos Anicoche Tan for taking good care of us. We love you Sissy. 💖💖💖”

Kahit si Boobay ay nag-post din sa kanyang Facebook Account. “thank you very much po Manang ReíRamos Anicoche Tan, God bless you po…❤️❤️❤️ i love you!💐 #BeautédermFamily”

Saad naman ni Alma Concepcion,”Thank you sa pinakamamahal naming BEAUTEDERM CEO ReíRamos Anicoche Tan!! Mabuhay ka! Mabuhay ang buong BEAUTEDERM FAMILY! Salamat sa pag aaruga at magmamahal !

Hiwalay niyang post: “#beautedermBaby

Thanks Shobe ReíRamos Anicoche Tan for this toy for kuya Cobie

Good morning trip hehe.”

Kahit ang talent manager-actor na si Ogie Diaz ay pinupuri rin si Ms. Rei,”Thank you, Ms. ReíRamos Anicoche Tan, for loving our frontliners. Gusto ko lang i-commend ang taong ito na napaka-selfless, kaya blessed na blessed ni Lord.

Masigasig din siyang donor ng Kasuso Foundation, sobra!

Mabuhay ka pa hanggang 100 years old, madam!!!”

Generous talaga si Ms. Rei. Nagsilbi siyang anghel ng mga taong malapit sa kanya. Nagawa pa niyang ipa-auction sa Facebook ang kanyang mga branded na bags at ibang gamit para ang i-donate ang napagbentahan nito.

Post niya: “My heart is full!
Thank you Lord!

What this crisis has reminded me is the great value of life.

Luxury for a cause was borne out of the fact that human life is more important than all material things put together. We are all in this together — we suffer as one, we are in fear as one, and we are facing these uncertain times as one — but there is hope: what I know for sure is that once we go deep in our hearts and souls, humanity will not only survive, it will triumph — together, as one, we will succeed and rise above this terrible trial and our love for one another will emerge victorious in the end.
Wag po tayo mapagod magmahal
❤️🙏🏼 matatapos din po ito.
#notimetoHate #YestoLove
#WeHealAsOne #ContriBeauT”