NI: ROLDAN CASTRO
Isa sa nag-alala sa mag-asawang Sylvia Sanchez at Art Atayde ay ang CEO at President ng Beautederm na si Rhea Ramos Anicoche Tan.
Nang tamaan ng COVID-19 ang mag-asawa ay pinagdasal din niya ito na gumaling agad.
Ganoon na lang ang tuwa ni Ms. Rei na magaling na ang kanyang ambassador at Face of Beautederm na si Sylvia.
Nag-post si Ibyang ng bonding ng pamilya sa kanyang Instagram account. Puwede na niyang mahalikan at mayakap ang kanilang mga anak. Ganoon din si Papa Art.
Reaksyon ni Ms. Rei: “At nadurog puso ko sa post na to!!! Ate Jojo Campo Atayde sobrang ramdam ko fears mo nung nasa ospital ka. Grabe .
Thank you Lord , ung mga yakap na mahigpit, sobrang tulo luha ko , lalo na ung saya ni Xavi 😭🙏🏼 we love you Atayde Family.”
Samantala, tuloy ang kaliwa’t kanang pagtulong ni Ms. Rei sa mga frontliner at mga nangangailangan ng ayuda.
Di siya napapagod at nagsasawang magmahal!. Ang hashtag niya ay #YestoLove #YestoGiving #ContribeauT.