Hindi pa rin tumitigil ang mga fan nina JM de Guzman at Barbie Imperial sa panlalait kay Rhian Ramos.

Kahit matagal nang naipalabas ang movie nina JM at Rhian, hindi pa rin sila makapag-move on. Pinagseselosan pa rin nila ang Kapuso actress.

Sa social media ay tinatawag si Rhian na “higad.” Pati ang sexy photo nito na nakatalikod ay pinagti-tripan ni @lovely_barbiedoll sa kanyang IG account. Ginawa itong katatawanan.

Ayaw kumalma ang mga basher ni Rhian. Kinakawawa talaga.

Pero cool lang si Rhian. Wala siyang paki sa galit ng JuanBie ­dahil wala naman siyang ginagawang masama.
Samantala, nami-miss na si Rhian ng mga Kapuso para magkaroon ng bagong serye.