Rhian at Gee, swak sa aerial yoga

Hindi lang sa set ng teledrama nila na Sinungaling Mong Puso sila na­ging mag-best friend.

Napapadalas kasi ang workout bonding ng Kapuso actresses na sina Rhian Ramos at Gee Canlas na gumaganap bilang Clara at Jillian sa afternoon Kapuso series.

Magkasama ang dalawang sumabak kamakailan sa 5K run at nakapag-crossfit pa sila pagkatapos.

“5K run and crossfit! Killin’ it!

“We must have another day like this @geecanlas bawi na tayo,” sulat ni Rhian sa caption ng kanyang Instagram post.

Nag-post din si Gee ng parehong video. Aniya, “Today was hardcore workout day!! Ran 5k then Bootcamp training at @cfmnl after.

High five @rhianramos we survived! Our legs are jelly but dinner will taste soooo good tonight.”

Nasubukan na rin nina Rhian at Gee na magkasamang mag-aerial yoga.

Dj Raqi Tera, Dj Rica Hera, Dj Shai Tisay, Dj Lala Banderas at Dj Missy Hista
                                   Dj Raqi Tera, Dj Rica Hera, Dj Shai Tisay, Dj Lala Banderas at Dj Missy Hista

EXCITED ang mga taga-Manila Broadcasting Company sa bagong positioning ng 101.1 Yes FM bilang millennial’s choice, kasama ng bagong tagline na “Yes –The Best!”

Ang istasyon ay pinapatakbo ng mga DJ na seksi, kumakanta, sumasayaw at umaarte pa.
Noong Hulyo, tampok sila ng FHM bilang “office crush of the week.”

Gigisingin kayo ng maingay subalit napakasayang pareha nina Missy Hista & Rica Hera (6:00-9:00 AM).

Kasunod nila si Maria Morena (9:00 AM-12:00 NN), sina Totoy Bato & Shai Tisay (12:00 NN-3:00 PM), Raqi Tera (3:00-6:00 PM) at Sexy Megan (6:00-9:00 PM).

Tinatalakay naman nina Lala Banderas at Rico Panyero ang mga long distance relationships sa “Usapang LDR” (9:00 PM-12:00 NN).

***

Hit movie ang TRAIN TO BUSAN na pinipilahan pa rin hanggang ngayon.
At sa mga nakapanood na ng pelikula, dalawang child stars ang may kamukha doon.

Una, si Migs Cuaderno na kamukha nu’ng driver ng train kapag tumanda.

At ‘yung Japanese na taga-Walang Tulugan na si Hideaki o Aki (‘yung cute na bata na laging kontrapelo ni Kuya Germs) ay kamukha ng bida na si Gong Yoo.

At least, parang zombie na naaalala natin sila habang pinapanood ang ibang pelikula.
Aloha!

***

Imbes na Larawan The Musical ang makakatapat ng Hermano Puli ni Aljur Abrenica directed by Gil Portes, I Americana ni Bela Padilla directed by Ivan Payawal ang makakasagupa nito.

Good luck sa local films na ipapalabas.

For now, patuloy pa ring pinipilahan ang horror films na TRAIN TO BUSAN at Don’t Breathe.

***

Kaugnay sa ika-50 kaarawan ni Puri Titiwang, gaganapin ang Search for One-Side Bikini King sa Setyembre 24, Sabado, 11:00 PM sa One 690, #39 Roces Ave., Quezon City.

Casting & sty­ling ito ni Bembem Kho (0906-484-9218).

‘Di ba, Choco Batok?

***

Todo ang kampanya ng ABS-CBN para suportahan at iboto si Alex Calleja na nominated sa Laugh Factory’s Funniest Person of the World.

Puwedeng panoorin ang video niya sa FB, twitter at IG sa @alexcalleja1007 at nandoon ang directions ng pagboto.

May nagawa nang show si Alex tulad ng Toda Maxx at Little Champ.

***

Kailangang mag-ingat si Geoff Eigenmann dahil sa ilang shot sa Be My Lady, kita ang kanyang hati sa buhok na medyo leading na sa pagkalagas.

Hindi kataka-taka ito dahil ang tatay niya ay bald din naman. Suwerte lang ni Geoff at nabiyayaan siya ng ma­gandang mukha.