Rhian inaasahang dawit sa hiwalayang Jolo-Jodi

tonite-pak-allan-dionesParehong single sina Jolo Revilla at Rhian Ramos kaya natsitsismis ang dalawa. Si Rhian ang leading lady ni Jolo sa kanyang ‘72 Hours’ episode sa action trilogy movie na ‘Tres’.

Break na sina Jolo at Jodi Sta. Maria at hiwalay na rin si Rhian sa non-showbiz boyfriend nito, kaya sila nali-link.

Reaksyon ni Jolo, “Kayo talaga! Huwag na nating lagyan ng kulay. We’re good friends.

“Pero hindi n’yo naman ako masisisi. Maganda siya, mabait, sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya, ‘di ba? Napakaplastik ko naman kung sabihin kong hindi siya maganda, hindi siya hot.

“Pero siyempre, sa bawat pinagdadaanan namin sa buhay, mas magandang dahan-dahanin natin. huwag nating mamadaliin ‘yung kung anuman, ‘di ba?

“Dahil siyempre, ako kakahiwalay ko lang. Kakahiwalay lang niya. Siguro, hindi naman imposible, eh. We’re good friends,” nakangi­ting pakli ni Jolo.

Ang sabi naman ng gandarang si Rhian, “In-expect ko naman din matsismis. Hindi naman ako nagulat. Part na siya ng trabaho ko.

“Nu’ng nabalitaan ko nga na single na si Jolo, sabi ko, ‘Ay, eto na ‘yon. Marami nang magsasabi na may kinalaman ako (sa breakup nila ni Jodi).

“Pero ayun, parang part lang siya, ‘di ba? I’m grateful dahil totoo ‘yung friendship namin. Totoo ‘yung pinakita namin sa isa’t isa na he’s very easy to get along with and it was easy ope­ning up to each other about certain things in our lives.

“Pero anything beyond that is not something… I don’t know if he’s ready for anything beyond that but I’m definitely not.

“So, hindi rin naging consideration na you know, to turn it into anything more than a friendship.”

Dagdag ni Jolo, si Rhian ay sobrang gaan katrabaho at hindi maraming arte. Very professional.

Sey naman ni Rhian, na-enjoy niya ang experience sa paggawa ng nasabing action film at napansin niyang sobrang maasikaso si Jolo, hindi lang sa kanya kundi sa lahat ng nasa set.

They eat daw together na parang pamilya sa set ng ‘Tres’, samantalang sa ibang set ay tinutulog niya ‘yung lunch at dinner. Dito ay may bonding sila.

At saka marami raw eksena si Rhian na kailangan niyang gumamit ng baril, so tinuruan siya ni Jolo na maging komportable. Binigyan siya nito ng tip para huwag siyang magulat o mag-flinch kapag bumabaril.

“When I got to talk to him, it was so easy to… I just felt so open. His energy is so open and generous,” dayalog pa ng Kapuso actress patungkol kay Jolo.

Tinawanan lang ni Jolo ‘yung isyung si Rhian ang third party sa hiwalayan nila ni Jodi. Wala raw third party and in fact, okey sina Rhian at Jodi na nagme-message pa sa isa’t isa sa Instagram.

Jolo susundan sa Maldives si Jodi?

Speaking of Instagram, tinanong namin si Jolo kung nakapunta na siya ng Maldives.

May IG post kasi si Jodi na nasa Maldives ito at seksing-sexy sa pa-bikini pose nito by the beach.

Kahit nakatalikod si Jodi sa pic ay ang hot ng dating nito at ang daming pumuri sa sexy body nito.

“Maldives? Naku, parang gusto ko ngang makapunta ng Maldives. Nandu’n siya ngayon, ‘di ba?” naniningkit ang mga matang bulalas ni Jolo.

Bucket list ba nila ni Jodi na pumunta ng Maldives?

“Isa sa mga bucket list.”

O, eh hindi siya kasama ni Jodi na nagpunta roon?

“O, ano naman? Ikaw talaga! Ha! Ha! Ha!”

Anong reaksyon niya na ang daming pumupuri sa kaseksihan ni Jodi?

“Oo naman. Eversince naman, she’s fit.”

So, anong reaksyon niya nu’ng makita niya na nag-post ng ganu’n ang ex niya?

“Siyempre maganda. Natuwa, ‘di ba? Anong gusto mong maging reaction ko?” natatawang hirit sa amin ni Jolo.
Na-miss niya ba si Jodi?

“Oo naman.”

Hindi ba siya susunod? O meron siyang promo ng ‘Tres’?

“Ha! Ha! Ha! Ha! Okey na ‘yon, thank you!”

Sa ika-3 ng Oktubre ang showing ng ‘Tres’ sa mga sinehan nationwide.