Rhian, KAKAMPI ng abused women

BUMISITA si Rhian Ramos sa SAGIP Crisis Center for Abused Women and Children noong Huwebes (Hulyo 28).

Isang meaningful experience ito para sa Sinungaling Mong Puso leading lady dahil nagkaroon siya ng pagkakataon para makausap ang ilan sa mga kababaihan tungkol sa mga karanasan nila bilang abused and battered women.

Ibinahagi rin ni Rhian ang ilang episodes ng naturang drama para sa kababaihan at pagkatapos ay nagkaroon ng kaunting salo-salo na ang nagluto ay ang nanay mismo ni Rhian.

“Spent the afternoon with the clients and staff of Sagip. Without judgement, we had an open forum on the trials and experiences of being in an abusive relationship, watched and reviewed a couple eps of Sinungaling Mong Puso, and had a meal that my mom made us this morning.

“Thank you to all involved in making this afternoon a truly meaningful one.

“Thank you SAGIP for opening your doors to us, to their clients for being so honest and baring their hearts…” sey pa ni Ehian, na noong Martes nang gabi ay rumampa sa FHM 100 Sexiest 2016 victory party sa Valkyrie, BGC, Taguig City.

***

Pagkatapos pumirma nina Ultimate Star Jennylyn Mercado at Kapuso Premier Actress Lovi Poe ng exclusive contracts sa Kapuso Network, si Willie Revillame naman ang nagsara ng bagong kontrata sa GMA.

Tuluy-tuloy ang mga contract signing sa GMA, huh?!

Hudyat ba ito ng lalong lumalalim na tiwala ng big stars sa pamunuan ng channel 7?
Magandang pangitain ito. Kasi, sunud-sunod ang swerte na pumapasok sa mga Kapuso.

Abangan ang mga susunod na pirmahan!

***

Masayang-masaya ang GMA Records artist na si April Boy Regino sa pagbubukas ng kanyang bagong business, ang IDOL Restobar sa Marikina.

Ang nasabing lugar ay may 3D art murals kaya ang mga guest ay maaring mag-pictorial habang nag-eenjoy.

Ani April, “Masayang masaya ako sa panibagong blessing sa buhay naming pamilya.

Kaya kung gusto ninyong mag-enjoy at mag-bonding kasama ang inyong kaibigan at mahal sa buhay, maaari n’yo kaming bisitahin dito sa IDOL Restobar sa Marikina.”