Rhian, makikisaya sa Peñafrancia

MAKIKIISA ang GMA Network sa pagdiriwang ng mga Bikolano sa Peñafrancia Festival sa Naga City sa Lunes (September 19).

Pangungunahan ng mga bida ng Sinungaling Mong Puso na sina Rhian Ramos, Rafael Rosell at Kiko Estrada ang Kapuso Mall Show sa SM City Naga Open Parking simula 6:00 PM sa Lunes.

***

Ipapalabas ang pelikulang Barcelona: A Love Untold sa iba’t ibang bansa.

Showing ito bukas sa Malaysia, with matching premiere na magtatampok sa cast at director.

September 22 ang playdate ng KathNiel movie sa Papua New Guinea, UAE, Qatar, Bahrain at Oman;

September 23 sa North America & Saipan;

September 24 sa Europe;

September 25 sa Singapore & Hong Kong;

September 29 sa Australia & New Zealand.

***

Ang istorya ng Barcelola: A Love Untold ay inspired ng istorya ng simbahan ng Sagrada Familia, na dinisen­yo ng arkitektong si Antoni Gaudi bilang pagpapaumanhin ng mga tao sa Diyos.

1926 namatay si Haudi, at hanggang ngayon ay hindi pa natatapos ang nasabing simbahan.

Sabi ng sumulat ng Barcelona: A Love Untold na si Carmi Raymundo, “So hanggang ngayon, hindi natatapos ang apology na ‘yon, so ang gandang metaphor.

“Ang gandang metaphor sa character na either hindi pa natatapos magmahal, mangarap.

“Kasi, ‘di ba, tayo naman, kapag gumagawa tayo ng kuwento, ang ganda na naging coherent ‘yung lugar sa kuwento ng pelikula.”

***

Ibang-iba ang Barcelona: A Love Untold sa Vicky Cristina Barcelona (2008) na dinirek ni Woody Allen.

Leveling?

***

Lubos na nagpapasalamat si Jerry D. Olea (entertainment editor ng Abante TONITE) sa mga nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya.

Buena manong nagpadala ng regalo sa kanya ang ilang Kapamilya kaugnay sa nalalapit niyang ika-50 kaarawan.

Salamat din sa ipinangakong ulam nina Jess Bayrante (pagkasarap-sarap na Bicol Express) at Mon ng Sta. Maria (ipapatikim na relyenong bangus).

Salamat din sa pasalubong ni Rex Belarmino (macadamia nuts) mula sa Guam.

Mabuhay!