Rhian, marupok sa co-stars

rhian-ramos
               RHIAN RAMOS

IT seems like isang confession ang ginawa ng Taste Buddies host na si Rhian Ramos sa isa nilang segment kamakailan. Ibinahagi kasi nila ng kanyang kapwa host na si Solenn Heussaff ang kanilang celebrity crushes.

Unang umamin si Solenn. Ayon sa kanya. mas attracted siya sa mga bad boy looking men kaya siya nagkaroon ng crush kina Dennis Trillo at Neil Ryan Sese.

Si Rhian, nagbigay lang ng clue.

Natatawang pagkuwento ni Rhian, “Ang hirap mag-isip, kasi once nakakasama ko, nagiging crush ko na agad. Ay, marupok? Marupok agad.”

Sino kaya ang bagong crush ni Rhian ngayon?

Isa kaya ito sa leading men niya sa Afternoon Prime series na Sinungaling Mong Puso?