Rhian nagbilad sa Phuket

Malakas talaga ang dating ng aktres na si Rhian Ramos. Hanep ang sex appeal niya, lalo na kung nakasuot ng super sexy outfit.

Tulad ng post ng dalaga sa kanyang Instagram photo a couple of days ago na nakasuot ng black two piece bikini. Tila ibinilad niya sa araw at inirampa ang kanyang alindog sa pagbabakasyon sa Phuket, Thailand.

Bukod sa kanyang taglay na kagandahan, may maipagmamalaki rin siyang whistle bait figure na kaiinggitan talaga ng mga kababaihan.

Isang certified hottie, umaapaw sa kaseksihan si Rhian. Komportable at proud sa kanyang katawan ang dalaga, kaya naman game siyang magbalandra ng kanyang kariktan sa madla.

Effortless siyang mag-project ng kanyang beauty, natural kasi ang ganda ng aktres na makatulo-laway sa maraming barako.

Maikukumpara ang kariktan ni Rhian sa isang magandang orchid na hindi basta-basta bulaklak lang, dahil may class siya at mamahalin ang dating.

Sa taglay na alindog ni Rhian, sinong lalaki ang hindi mababaliw sa kanya? (Nonie Nicasio)