GIGIL na gigil si Rhian Ramos recently sa isang tasa ng kape na may latte art na pusa.

Nagkengkoy si Rhian at ininom ito na as if she’s a cat.

Aliw na aliw naman ang mga fans at followers ni Rhian sa kanyang nakakatawang posts, lalo na ngayong pabigat nang pabigat ang mga eksena ng aktres sa kanyang teleseryeng Sinungaling Mong Puso.

Nalalapit na ang pagwawakas ng SMP.

Hindi na nagpapaapekto si Clara (karakter ni Rhian) sa mga pananakot ni Roman (Rafael Rosell).

***

Back-to-back ang Kapuso mall show ng A1 Ko Sa ‘Yo at Oh, My Mama! mamayang 5:00 PM sa Robinsons Novaliches.

Darating ang artists ng A1 Ko Sa ‘Yo na sina Benjamin Alves, Sef Cadayona at Mara Alberto.

Mula sa Oh, My Mama!, magpapasaya naman sina Inah de Belen, Ashley Ortega, Eunice Lagusad at Phytos Ramirez.

***

Back-to-back din ang Kapuso mall show ng Sa Piling Ni Nanay at Tsuperhero mamayang 5:00 PM din sa Robinsons Dasmariñas.

Mula sa SPNN eh makikipag-bonding sa mga Kapuso sina Yasmien Kurdi & Jillian Ward.

Kumpirmado naman ang mga bida ng Tsuperhero na sina Derrick Monasterio at Bea Binene plus Miggs Cuaderno.

***

Back-to-back again!

Magpapasaya sa fans ang GMA shows na A1 Ko Sa ’Yo at Pinulot Ka Lang Sa Lupa bukas (Sunday, October 16) ng 5:00 PM sa Robinsons Place Malolos.

Katatawanan, kilig at positivity ang iiwan nina Benjamin Alves, Martin del Rosario, Koreen Medina at Lharby Policarpio ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa kasama sina Ervic Vijandre, Denise Barbacena, Gee Canlas at Mara Alberto ng A1 Ko Sa ’Yo

***

Sa dami ng nagiging viral na kanta sa internet, sinigurado ng cast ng GMA comedy show na A1 Ko Sa ’Yo na hindi sila magpapadaig.

With their nakaka-good vibes na version of the PPAP song, maraming netizens ang naaliw sa entertainment na dinala ng grupo, lalo pa pinangunahan ito ni Roi Vinzon.

After a day na in-upload ito, meron agad itong 800,000 Facebook views.

***

Lungkut-lungkutan pa rin si Heart Evangelista sa pagpanaw ni Sen. Mi­riam Defensor-Santiago

Sabi ni Heart, “I don’t think I’ll ever recover. She’s a huge loss in our lives, my whole family and especially me because I’m close to her.

“But it comforts me knowing that she’s alright, that she’s happy now, (and that) she’s no longer in pain.

“Okay na siguro ‘yon but of course, every day I think of her.”