Rhian pasadong kasambahay

NI:ARCHIE LIAO

May buting maidudulot din minsan ang community quarantine.

Ito ay panahong puwedeng ilaan natin para maka-bonding ang pamilya natin. Ito rin ang pagkakataon para magmuni-muni tayo o subukang matuto at pag-aralan ang ibang skills na minsan akala natin ay di natin kayang gawin.

Para kay Rhian Ramos, may positibong dulot ang kanyang homestay dala ng ipinatutupad na enhanced community quarantine o lock down sa bansa.

Pagbabahagi niya: “Positive thought of the day: I’m so good at gawaing bahay na.”

Nag-enjoy raw siya sa paggawa ng household chores na para sa kanya ay mabisang panglaban sa pagkaburyong.

“Like making linis, making luto,making laba and washing the pinggans,”aniya.

Ang panahon ng home quarantine ay panahon din para mag-reflect tayo sa ating relasyon sa Diyos, dagdag niya.