Rhian pinaglaruan ng espiritu

Naniniwala si Rhian Ramos sa espiritu pero hindi sa multo.

Hirit pa niya, paniwala niya na patuloy na gumagala ang mga ito sa mundo.

Naranasan daw niya ito sa kanilang bahay kung saan sa kanilang kusina ay bigla na lang bumukas ang gripo sa kanilang lababo. Sinabayan pa raw ito ng kalampag at malakas na hangin.

Pati raw ang aso nila ay nahintakutan dahil kakaiba ang naging kahol nito.

Gayunpaman, wala raw naman siyang nakitang tao o anino kaya dinaga rin siya.

Pina-bless daw nila ang kanilang bahay at ipinagdasal ang naturang ­kaluluwang ligaw.

Si Rhian ay isa sa mga producer ng “Kung Paano Siya Nawala,” ang pagtatambal nila ni JM de Guzman, na magbubukas na sa mga sinehan simula sa November 14.