Ang diva that you love, malaki ang pananalig na ang pelikulang ‘Kung Paano Siya Nawala’, hindi magpi-first day, last day, walang sliding film showing at marami ang magmamahal.
Bakit kaniyo? Aba, I have never seen JM de Guzman this guapo and Rhian Ramos this beautiful at super highlighted ang katotohanang ito sa kahit sa trailer pa lamang. Walang duda sa buong pelikula ni direk Joel Ruiz, mas lalo tayong mabibighani sa kisig ni de Guzman at kariktan ni Ramos.
Sa press payanig nga para sa pelikula, grabe ang gandang lalaki ni JM. Naka-gray round collared pull over na mas lalong nakapagpatakam sa katawan niyang pangromansa. Si De Guzman ang kind of guy na you will not mind na walang six-pack abs. Siya kasi ang living embodiment ng kasabihan na ang “tunay na lalaki, walang abs.”
On screen man o sa personal, palpable ang kanilang chemistry at sexual tension. Noong una, kinakabahan at painfully shy si JM pero with a lot of help from Ramos, nag-warm up ang binata.
Parang hiyang-hiya pero alam mong ikinatuwa ni JM ang pag-amin ni Rhian na nu’ng wonder years niya, when she was a young miss of 15 summers, she fell in love with Juan Miguel at two weeks straight niyang super scribble sa kanyang notebook dati ang pangalan nilang dalawa.
Ang pasasalamat ni JM sa patuloy na pagtanggap sa kanya sa showbiz kahit ilang beses na siyang nadapa ay tunay na busilak at wagas.
Aniya, “I feel grateful po. I feel blessed na mabigyan ako ng ganitong role, opportunity again, to be part of this movie, this story. Excited lang ako. At the same time, kinakabahan.”
Patuloy nito, “Ang makasali lang sa movie na ito, para sa akin, grace na siya. It’s something na Siya na lang po ang nagbigay. Maraming tao ang puwede magsabi na, ‘Hindi naman siya ganu’n kagaling para bigyan ng ganito-ganyan. May nagawa siyang kasalanan, twice pa before.’
Siguro may deeper purpose pa akong dapat magawa kaya ganito ang nangyari.
Si Rhian, ang second the motion, “Si JM napaka-humble. For everything that has happened to him na open book naman, I know it made him a better man.”
Dagdag pa ni Ramos, “From what I observed and experienced during the shoot, he is just being himself, take it or leave it, like it or don’t, I appreciate the authenticity.”
Pangako ni Rhian na ikinalugod ni De Guzman, “Kung magandang-magandang script that will come my way and I will be told na si JM ang leading man, I wil do it agad. As a leading man kasi, never niya akong iniwan sa ere. If I dive into a challenging scene, I know he is there to catch me, we are on the same page kahit di kami nag-uusap.”
At aliw silang mag-usap, huh! ‘Yung “dream come true” moment nila sa press payanig ay super priceless. Grabe ang expression ni JM at super cutey ang paliwang ni Ramos. Kakulit! Kakilig!
Ang Kung Paano Siya Nawala ni Direk Joel Ruiz para sa TBA Studios ay ipapalabas sa mga sinehan ngayong November 14.
***
Sarah G may pasabog sa ‘Celebrity Radar’
Kung ang ibang publication houses eh ginawang online ang kanilang mga magazines, ibahin niyo ang confidence ng Prage Management Services, publisher ng Abante at Abante Tonite dahil may major, major pasabog ang aming publication, ang showbiz glossy na walang katulad, mabibili na sa merkado ngayong Nobyembre, ang Celebrity RADAR.
Siksik, liglig at umaapaw sa showbiz chika at insights at ang diva that you love, kasama sa maiden issue kung saan may hanash at kuda ang inyong lingkod tungkol sa nag-iisang Sarah Geronimo and her nanay dearest Divine.
Ang main artista cover ay ang tunay na young superstar Daniel Padilla.
Punta na sa pinaka-malapit na bookstore at bili na, basa, ipamalita na sa iba ang Celebrity RADAR, ang showbiz glossy na walang katulad!
***
Dahil All Souls Day ngayon, inaalay ko ang aking dasal sa mga artistang I sorely missed, FPJ, Dolphy, Rudy Fernandez, Vic Silayan, Dindo Fernando, Jay Ilagan, Rico Yan, Liezl Martinez, mentors Tony Espejo, ang walang katulad na Abante at Abante Tonite troika Alfie Lorenzo, Oskee Salazar and Billy Balbastro (sina Salazar at Balbastro ay nakatrabaho ko sa NCCA Committee on Cinema), mga kaibigang Eury Zulueta, Bayani San Diego, Jeffrey Valisno and my family, Alfredo (tatay), Alvin (brother) mga lolo at lalo, Victor, Atanacia, Jose, Maring at Martha.
Sa lahat ng mga inaalala ang kanilang mga kapamilya, kapuso, kapatid, kaibigan at kasangga, let us remember the good memories, light candles and say prayers for them.
Stop in the name of love and hedonism that is Halloween and let us remember our dearly departed with prayers.