HINDI lang sa GMA afternoon series na Sinu-ngaling Mong Puso palaban si Rhian Ramos.

Isa siya sa masuwerteng napaunlakan para makilala si PNP Chief Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa.

Nakapanayam ni Rhian ang PNP Chief para sa isang motoring show kung saan nagsisilbi rin siya bilang host.

Sa Instagram, ibinahagi ng aktres ang isang litrato na kasama si Ge­neral Bato.

“Yup, charisma off the chain,” caption ni Rhian sa picture.

***

Natuwa sa kanyang karakter sa Encantadia si Carlo Gonzales dahil kahit ang netizens, gusto niyang mas maging involve sa kanyang role bilang Muros sa Kapuso telefantasya.

Sa Instagram, nag-post si Carlo ng online contest na tinawag niyang Muros fan art ma­king contest at inanunsyo ang mechanics at prizes.

Aniya, “Here’s an idea… I will personally choose the winner who will get to take home 5,000 pesos cash plus, a chance to dine with me, my treat of course!

“I will repost the winning entry. Contest ends on November 1 Simple instructions: 1.

Follow me 2. Post your own Muros fan art (sketch, painting, etc it has to be your creation)

3. Use the hashtags #Muros and #Encantadia2016 4. Tag me 5. Let your creative juices flow!”