Rhian umalma kay Willie

Ang daming naaliw sa tweet ni Rhian Ramos na kinukuwestiyon niya kung bakit hindi siya pinakanta sa show ni Willie Revillame last Saturday. Guest ang aktres sa nasabing programa that day along with Julie Anne San Jose, Michael Pangilinan and Kris Lawrence.

“Bakit ako lang yung di nila pinakanta?!” tweet ni Rhian.

Sumagot naman ang kanyang mga follower at um-agree sa kanya dahil hinintay nga rin daw nilang kumanta ang aktres. Sey naman ng iba, sapat na raw kasi ang ganda niya.

Natatawang sagot naman ng isa ay “give chance to others” dahil masyado na siyang mahusay.

Tweet naman ulit ng aktres, “okay lang, para walang mathreaten sa singing voice ko.. eherm eherm.”

Tawa na naman ang mga fan niya.

Pero ang lahat naman ay halos iisa ang sinasabi na ang cute-cute raw ni Rhian na mag-shake ng cell phone sa nasabing show kaya aliw na aliw sila habang pinanonood ang aktres.

Barbie miss kumayod

Aminado naman si Barbie Forteza na talagang na-miss nila ng boyfriend na si Jak Roberto ang isa’t isa. Kaya naman kaagad silang nagkita nang ma-lift na ang ECQ (Enhanced Community Quarantine) at maging GCQ na (General Community Quarantine).

Ayon kay Barbie kahit araw-araw naman silang magkausap sa video call at telepono ni Jak during ECQ, iba pa rin daw ‘yung nagkikita ng personal.

“Ewan ko, kahit araw-araw kami magkausap, kahit minsan, parang gusto ko nang i-end call, ganu’n, kasi ang dami nang pinagsasasabi (ni Jak), parang iba pa rin ‘pag magkasama kayo in person.

“Iba pa rin. Kung baga, miss na miss n’yo pa rin ‘yung isa’t isa,” ani Barbie sa isang panayam.

Hindi lang si Jak ang na-miss ni Barbie kungdi ang pag-arte kaya nga aniya, handang-handa na raw siya talaga na magbalik na sa trabaho.

“Kung ready, oo, I am ready, I am more than ready to get back to work. Miss na miss ko nang magtrabaho, miss na miss ko na ‘yung mga kasama ko, miss ko nang umarte,” sey pa ng aktres.