RHODORA MORALES, NAKAKAGULAT ANG PLANO KAY KRIS

Kris Aquino
Kris Aquino

Aksidente rin naming nakita noong gabing ‘yon si Rhodora Morales, ang producer ng #TripNiKris travelogue special ni Kris Aquino sa GMA 7 na ipinalabas noong Abril.

Natawa kami sa u­nang reaksyon ni Ms. Rhodora nang mabanggit ang pangalan ni Kris.

Nagkaproblema kasi ang producer at si Kris, pero nag-apologize ang TV host/actress tungkol sa bagay na ‘yon.

Halatang may sama pa rin ng loob ang producer kay Kris, pero a­yaw na lang daw niyang magsalita.

Hindi raw sila nagkaroon ng pagkakataon na magkausap ni Kris pagkatapos na maipalabas ang TV special na prinodyus niya.

May balak ba siyang ipagprodyus pa si Kris if ever na maging maa­yos na sila?

“Si Kris? Of course!” sey ni Tita Rhodora na ikinagulat namin.

“Sort of teleserye, kasi magaling siya sa akting!” parang natatawang dagdag ng producer.

Naku! Hindi tuloy namin alam kung seryoso si Tita Rhodora na ipagpoprodyus pa niya uli si Kris, ‘noh?!

Anyway, a “little bir­die” informed us na may isang proyekto na ipoprodyus si Tita Rhodora na marami ang magugulat.

***

NAALIW kami sa tsikahan ni Allan K at ng misis ng isang former PBA player na sinamahan ang anak na nag-guest sa Eat Bulaga kamakailan.

Sabi kasi ng misis ng former PBA player, “maganda” pala si Allan sa personal.

“Bakit, panget ba ako sa TV?” ang natatawang tanong ni Allan sa kausap.

Nang paalis na si misis ng former PBA pla­yer, hindi ito napakali at nagtanong na naman kay Allan.

“Natural ba ‘yang buhok mo?” tanong nito.

“Hindi! Wig ‘yan. Pareho kami ni Vice Ganda!” sey ni Allan K.

“Talaga? Wig din ‘yung kay Vice?!” sagot ng misis ni former PBA player na masyadong amused sa sinabi ni Allan.

Isa si Allan sa mga artistang hindi napipikon kapag may pumapansin sa kanyang physical features.

Kahit madalas na mapuna ang ilong ni Allan, dedma lang siya.

Hindi nai-insecure si Allan sa kanyang hitsura, lalo na sa kanyang ilong, dahil ‘yon ang nakatulong para mapansin siya sa showbiz.

Yumaman si Allan dahil sa kanyang hitsura!

***

Hindi na mapigilan ang singer na si LA Santos!

Napansin si LA nang magpa-presscon ang OPM Kings and Queens concert.

Humanga ang entertainment press nang ma­lamang may ADHD (Attention Deficit Hyperactivity Disorder) at may first stage of autism siya dati.

Pero dahil sa pagpupursige ng nanay niyang si Mommy Flor, guma­ling at naging maayos si LA, at naging singer pa.

Ngayon, artista na rin si LA.

While having dinner sa isang Quezon City restaurant noong Biyernes nang gabi, aksidenteng nakita namin si LA.

Naikuwento niya na nagsu-shooting na siya para sa kanyang first indie movie, ang Durugin Ang Droga.

“First acting experience ko po ito,” sabi ni LA.

Lead daw si LA sa nasabing pelikula at nag-acting workshop siya bago nagsimula.

Sabi ni LA, enjoy siya sa pagkanta’t pag-arte, kaya gusto niyang mag-concentrate sa dalawang larangang ‘yon.

“Mas passion ko po ang singing, pero gusto ko na rin pong umarte,” sey ng 17-year old singer/actor.