
Dahil nga may bagong pag-amin sa isang panayam si Ria Atayde na wala siyang isyu at masaya siya sa pagiging malapit nina Arjo at Maine Mendoza, walang habas na naman ang bashing at hating sa magandang dalaga at sa kanyang kapatid. Inaakusahan ang mga Atayde na ginagamit nila si Menggay para mapag-usapan at para umusad pa lalo ang kanilang mga karera.
Iba rin ang pagiging maligalig ng mga fantard ni Mendoza, huh! Kung makakuda at maka-hanash, superstar for all mega and diamond star and season ang Philippine Sweetheart, huh!
Paki-explain muna kung bakit lugami sa ratings ang kanyang Saturday program na “Daddy’s Gurl” versus “World of Dance Philippines” at sa mga dati nitong katapat. Hindi na naman kayo kumikilos ayon sa inyong ganda.
Si Maine, may posting sa kanyang social media site tungkol rito, “I would appreciate if you’ll show some respect not just to our family but theirs as well. Just stop this nonsense and let us all do better instead. They get projects because of their talent, not because of any other reasons. Once and for all let us give credit to whom it’s due.”
Sana naman, ang bulag, pipi at binging panatiko ni Mendoza na ayaw sa katwiran, eh mahimasmasan sa pakiusap niya. Sana rin maintindihan nila kasi sinulat using the King’s Language. Kung hindi nila maarok ang mga salita, ano ba namang buksan nila ang diksyonaryo para maunawaan ang kahulugan ng mga salita at hindi naman siguro manhid, mararamdaman nila ang pakiusap ng kanilang iniidolo.
Huwag na rin nilang sabihin na “ginagamit” ng mga Atayde si Mendoza dahil si Arjo, bonggang-bongga ang katauhan bilang binatang may autism sa “The General’s Daughter” at isa sa huling apat na movie queen, si Maricel Soriano, 10 stars ang binigay na grado sa kanyang pag-arte.
Sooner than soon, tiyak may pambuluga muli si Ria at hindi puwedeng ikaila na nagmarka ang kanyang katauhan sa “Halik.”
Buti pa si Maine, alam na mahuhusay sa kanilang mga larangan ang mga Atayde. Saang kuweba ba galing ang mga gigil na gigil na iyan?
Serye ni Bea super hit sa South America
Ang Sirekto ng Piso star na si Bea Binene, na may panawagan na “Sana, yung mga loyal, ma-appreciate nila,” hindi puwedeng pagdabugan ng bangs at mas lalong hindi pag-arkuhan ng mga one-line na kilay kasi nga ang show nila ni Derrick Monasterio, ang “Hanggang Makita Kang Muli,” super hit pala sa mga South American countries, partikular na sa third world nations like Peru at Ecuador, at pati na rin sa Kenya, huh!
Shookt nga si Binene kasi nga ang dami niyang mga follower sa mga nasabing bansa na message kete message.
Dubbed in Spanish ang kanyang soap sa mga bansang Latino Americano kaya Spanish ang messages niyang tinatanggap. Sinasagot naman niya ang mga mensahe, sa Ingles nga lang at umaasa siyang sa malapit na hinaharap, makadaupang palad niya ang kanyang mga international fan. Puwede na ba nating sabihin na international star na si Bea. Ang taray, hindi ba naman.
Sa personal, kahit pa nga dalagang-dalaga na si Binene, mukha pa rin siyang “nene” pati ang kanyang “pagsasalita.” Ano nga kaya ang dapat niyang gawin para manalig ang balana at mga Kapuso na dalaga na siya at hindi na bata.
Kung baguhin kaya ang kanyang juvenile sounding last name, makatulong kaya?
Keri niya kayang magpaka-wild and wanton, ‘yung parang luka-luka days dati ni Drew Barrymore?
Handa na ba siyang magpakita ng skin at curves? Matutuwa ba at magngangalit ang mga ugat ng mga barako kung halimbawang may pa-negligee lang ang kanyang suot sa pictorial? Eh kung two-piece bikini kaya na sexy ang cut, panalo ba ‘yun?
Anyway, isang dalagang guro ang katauhan ni Bea sa Perry Escano directed movie kung saan bida ang mag-asawang Gelli de Belen at Ariel Rivera.
Ang sikreto ng husay ni Bea Binene, tiyak na malalaman natin lahat sa “Ang Sikreto ng Piso” kaya sa mga nanalig sa kanyang pambihirang talent, panoorin ito sa mga sinehan sa Enero 30.