Ria, JM nag-date sa Hong Kong

Tinanong namin si Ria Atayde tungkol sa binisto ng kaibigan niyang si Arci Muñoz na may something na sila ni JM de Guzman.

“Ewan ko ba sa babaeng ‘yun,” natatawang sabi ni Ria.

Magkaibigan lang daw sila ni JM. Wala raw silang relas­yon nito.

“He’s a good friend. Okey naman kami. We click, eh. Meron kaming­ small group sa showbiz. We hang out. Tropa-tropa kami.”

Kelan kayo huling nagkita ni JM?

“Kahapon. Du’n sa concert ni John Mayer. Nandu’n siya. Nandu’n din ako,” sagot niya.

Biniro namin si Ria na baka hindi naman totoong nagkita sila sa concert ni John, kundi sabay silang nagpunta ng Hong Kong para manood. Pero ang sabi niya na natatawa, “Hala! Hindi! Kasama ko ‘yung friends ko.”

Sabay ba silang umuwi ng ‘Pinas?

“Hindi,” ang natatawang sabi na naman ni Ria.

Ano ba ang tipo niya sa isang lalaki?

“Based on my history, wala naman akong… as long as click kami emotionally and mentally.”

Posible bang matipuhan niya si JM?

“Oo naman. Bakit hindi?”

Alam naman ng lahat na minsan ay nalulong sa droga si JM, pero nagpa-rehab ito para magbago at malayo na sa paggamit ng bawal na gamot. Hindi ba importante sa kanya ang past ng isang lalaki?

“Sa tingin ko naman kasi, he wouldn’t be the person he is now, if he didn’t go through all of that. And I think the person he is now is a good person.”
Sabi ni JM, kini-keep daw siya nito sa kanyang buhay. Siya ba ay gusto ring i-keep si JM sa kanyang puso?

“Puso agad. Hindi ba puwedeng buhay muna? Natatawang sagot ni Ria. (Rommel ­Placente)