Inamin ng kapamilya actress ang real score sa kanila ng aktor na si JM De Guzman. Na-link ang dalawa matapos mamataan na magkasama sa isang bakasyon kamakailan.

Nilinaw ng aktres na magkaibigan­ lang sila ng aktor pero mukhang nasa stage na sila ng mas malaliman na pagkilala sa isa’t isa.

“We’re still getting to know each other, friends talaga. I’m saying this all the time genuinely just friends,” deklara niya sa isang panayam.

Wala pa rin umanong ligawan na nagaganap. Pero mukhang malapit na ang aktor sa pamilya niya.

Hindi naman dineny ng aktres na nagkakamabutihan silang dalawa. At kung sakaling tumindi ang pagti­tinginan nila ay gusto niya munang makilala pa ang aktor.

Inamin rin niya na nagkakasama sila at nagkaka-bonding lalo na at nagsimula sila bilang mag-barkada. (Ronaline Avecilla)