Iba-iba ang paraan ng bawat tao kung paano nila sasamantalahin ang kanilang long weekend ngayong Undas.

Para sa ilang UAAP players, ito ang kanilang pagkakataon para magsaya muna at malayo sa basketball.

Ang magkapatid na sina Prince at Ricci Rivero ay nanggaling sa Halloween party kung saan inupload nila sa Instagram story ang kanilang malupit na inmate costumes.

Si Thirdy Ravena naman ng Ateneo ay nag-selfie sa Instagram story din kung saan nag­liwaliw siya kasama ang kanyang kuya na si Kie­fer sa isang beach resort sa Batangas.

Para naman sa La Salle Green Archers, imbis na magbakasyon ay ginugol nila ang kanilang free time para mag-extra workout ayon sa kanilang Instagram story dahil nagiging mahigpit na rin ang kumpetisyon sa Final Four race.
Gayundin si Prince Orizu ng FEU kung saan nagpapalakas na siya matapos magtamo ng leg injury.