Pangamba ni Senator Cynthia Villar na ­magiging talamak ang smuggling sa bagong ­inaprubahang government-to-private (G2P) scheme pagdating sa rice importation o pag-angkat ng bigas.

Kaya naman nais ng senadora na alamin at linawin ng pamahalaan ang polisiya nito pagdating sa rice importation.

Sa pamamagitan na rin ito ng resolusyon na kanyang ihahain ngayong linggo.

“We will try to clarify ‘yung kanilang policy sa rice kasi matagal na rin kaming nagbantay niyan at maraming problema ‘yan,” ayon kay Villar, chair ng Senate committee on agriculture and food.

Aminado naman ang senadora na kailangan umangkat ng bigas dahil sa kakulangan ng ­supply ngunit ang tanong ay kung anong klase ang pag- import na walang iregularidad at hindi naman masasakripisyo ang mga magsasaka.

“Kasi we don’t produce enough rice and we have to import, and pag-import, ano ba talaga ang shortage?

At ano ang manner ng pag-import?” giit pa ng senadora kasabay ng pagsasabing, “The G2P importation is prone to smuggling leading to over supply to the detriment of the farmers.”