Rice trader swak sa online libel

Pagkakulong o pagbabayad ng halagang P50,000 ang inihatol ng Quezon City Regiona­l Tria­l Court (QCRTC) nang mapatunayang guilty sa kasong ‘online libel’ ang isang kilalang rice trade­r sa Bulacan, na inihain laban sa kanya ng isang opisyal ng Department of Agriculture (DA) dahil sa kanyang mga mali at ma­lisyosong post sa kanyang Facebook account noong nakaraang taon.

Sa 15-pahinang desisyon, ni Judge Ma. Luis­a Gonzales-Betic ng QCRTC Branch 90, ang aksuadong si Jomerito ‘Jojo’ Soliman, ay nagkasala ng walang pag-aalinlangan sa kasong online libel, sa ilalim ng Section 4 ng Republic Act 10175, at inatasang magbayad ng multang P50,000 o mabilanggo.

Nag-ugat ang kaso sa serye ng mga FB post ni Soliman, na nagsimula noong Enero 23, 2018, at nag-aakusa laban kay DA Assistant Secretary Waldo Carpio, nang umano’y pagpabor sa ilang import permit applicant habang inaantala naman ang pag-apruba o pag-release ng para sa iba.

“The accused intende­d to convey in his Facebook account false and malicious imputations against said complainant to the affect that the latter takes favors and unduly delays the release of the accused’s Sanitary and Pyhtosanitary import Clearance (SPS permit),” ayon sa desisyon ni Judge Gonzales-Betic. (Dolly Cabreza)