Naging viral ang naging post ni Julia Barretto sa kanyang socmed account kaugnay ng ‘loved one’ na nabanggit niya na umano’y panauhin niya sa kanyang 23rd birthday.
Kung babalikan, ito ang nilalaman ng kanyang post noong magdiwang siya nang kanyang kaarawan noong Marso 10: “For my birthday this year I decided to do things differently. A dinner for 10, my family and a loved one. And today, I woke up fuller than ever.Thank You Jesus.”
Naging guessing game tuloy kung sino ang kanyang special someone na kanyang special guest sa kanyang birthday.
May mga humulang si Gerald Anderson daw ito na dati nang na-link sa kanya nang pumutok ang ‘ghosting issue’ nito sa ex na si Bea Alonzo .Pinaghinalaang third party sa kanilang hiwalayan blues.
May unconfirmed reports naman from a source na nagsasabi na isang mayaman at tituladong businessman umano ang bagong apple of the eye ngayon at suitor ng aktres.
Bukod sa galing sa buena pamilya, kaya raw ibigay nito ang luho ng aktres at hindi na magtrabaho.
Graduate din daw ito ng kilalang university at very sensible na kausap.
How true na ito ang pinalit niya kay Joshua Garcia? (Archie Liao)