Hindi man nanalo noong nakaraang eleksyon sa kanyang congressional bid sa Cebu, sinabi ng Kapamilya actor na si Richard Yap na hindi daw dahilan iyon para ma-trauma siya sa politics.

Hirit pa niya, nasimulan na niya ang kanyang adbokasya sa pagtulong sa kanyang mga kababayan kaya kahit wala siya sa puwesto,itutuloy raw niya ito.

Sey pa niya, may mga leksyon din daw siyang natutunan sa kanyang unang pagsabak sa mundo ng politika .

“Kung sa showbiz, maraming intriga, it’s 100 times more sa politics. Mahirap ang maging pulitiko.  There’s a lot we can learn but I’d rather look at the positive side,” sey niya.

“It’s an eye opener kasi ang dami tala-gang dapat gawin na hindi nagagawa ng gobyerno.It needs everybody’s help, hindi lang iyong nasa posisyon, kundi tayo, para matulungan natin iyong mga estudyante at mga mamamayang nangangailangan ng tulong,”dugtong niya. Pagbabahagi pa niya,noong panahon ng kampanya, doon din daw niya nakilala ang kanyang mga kaibigan at mga taong tunay na nagmamahal sa kanya. (Archie Liao)