KAHAPON ay ganap nang Kapamilya si Richard Gutierrez dahil pumirma na siya ng mga kontrata (isa para sa pelikula ng Star Cinema at isa para sa TV) sa ABS-CBN.
Si Richard ang gaganap bilang Sandrino, hari ng mga bampira sa La Luna Sangre.
Nakaharap ng entertainment press kahapon si Richard bilang pagwe-welcome sa kanya sa Kapamilya network.
Bago ‘yon, naunang pumirma ng kontrata si Richard kasama ang inang si Annabelle Rama para sa Star Cinema with Ms. Malou Santos.
Sinundan ‘yon ng pagpirma nila ng kontrata para sa TV kasama pa rin si Tita Malou, si Ms. Cory Vidanes at Ms. Cat Lopez.
Sabi ng mga tao sa contract signing ni Richard, finally ay nasa ABS-CBN na siya at bukod sa pelikula ng Star Cinema ay may La Luna Sangre pa siya.
Ipinaalala ni Tita Malou na hindi first time ni Richard sa Star Cinema dahil ginawa niya noong 2008 ang pelikulang For The First Time kung saan ay nakapareha ng actor si KC Concepcion.
***
After ng contract signing, nagkaroon ng lunch kung saan ay nakasama ng Kapamilya network executives ang isa pa sa lady bosses ng TV network na si Ms. Pat P. Daza.
Ang saya ng kuwentuhan during lunch kung saan ay may pa-lechon si Bisaya.
Tatak na ni Bisaya na nagdadala siya ng lechon sa kahit na anong okasyong puntahan.
“Para may dahilan ako na kumain ng lechon! Ang pamilya ko kasi, kapag may lechon sa bahay, palaging, ‘Ma, bawal ‘yan sa ‘yo!’ kaya nagdadala ako ng lechon sa mga pinupuntahan kong events,” sey ni Bisaya.
Napansin ni Tita Malou na malaki ang ipinayat ni Richard.
“Noong story conference ng pelikula n’yo nina Angel (Locsin) at Angelica (Panganiban), hindi ka pa ganyan kapayat, ha?!” sey ni Tita Malou.
Singit ni Bisaya, araw-araw na kasing nagte-training si Richard, kaya mabilis ang pagpayat.
“Sino na ang mas payat sa inyo ni Raymond (Gutierrez, his twin-brother)?” tanong ni Tita Cory kay Richard na sinagot niya ng, “Hinahabol ko pa ang kapayatan ni Mond!”
During the lunch, naikuwento ni Bisaya sa mga kaharap na hindi niya masabi ang mga bagay-bagay tungkol sa mga proyekto ni Richard sa Dos kay Ruffa Gutierrez dahil ayaw niyang mag-leak kaagad ang balita tungkol doon.
Nagulat pa si Bisaya na isang co-star ni Richard sa La Luna Sangre ang nagkuwento kay Ruffa tungkol sa nasabing show.
After malaman ni Ruffa na nag-taping na si Richard para sa La Luna Sangre, panay na ang usisa niya kay Bisaya tungkol doon, pero tikom ang bibig ng nanay ni Richard.
Ayaw niyang mabunyag kaagad ang tungkol doon.
“Kahit ang mga reporter na nagtatanong sa akin, wala talaga akong inaamin. May iba pa na nagsabing nagte-taping na si Chard.
“Sabi ko naman, kung nagte-taping na siya, sana nandoon ako. Nakapangako kasi ako sa mga taga-ABS-CBN, lalo na kay Malou, kaya hindi talaga ako puwedeng magdaldal!” natatawang sabi pa ni Bisaya.
***

Sa presscon, touched si Richard sa ipinakitang video kung saan ay wine-welcome siya nina Direk Cathy Garcia-Molina, Kathryn Bernardo at Daniel Padilla bilang isang Kapamilya.
Sobra ang excitement ng tatlong nabanggit na parte ng La Luna Sangre.
Sabi ni Kathryn, salamat at ang tinanggap ni Richard ang offer na maging parte siya ng La Luna Sangre.
Sabi naman ni Daniel, he’s looking forward sa mas marami pang taping days nila ni Richard.
Puring-puri ni Richard sina Kathryn at Daniel na nakasama na niya sa pictorial at plug shoot.
“I’m glad and happy to be a Kapamilya!” sey pa ni Richard.
Trending kahapon sa social media ang pagpirma ni Richard sa ABS-CBN.
***
May ilang scheduled trips si Richard na kinailangan niyang kanselahin.
Bukod sa La Luna Sangre, magsisimula na rin ang shooting ng pelikula nila nina Angel at Angelica na Wife, Husband, Wife.
Ang iba sa trips na ‘yon, nabayaran na ni Richard, kaya malaki ang penalty kapag ni-rebook.
Ang iba, hindi na rebookable.
Sabi na lang ni Bisaya kay Richard, unahin na niya ang trabaho. Kapag nakaluwag-luwag, si Bisaya pa ang magti-treat kay Richard abroad.
The original Primetime King & Queen of GMA are together again in a much, much better Network. Teleserye and a movie. Saan ka pa? Congrats and all the best! We, Kapamilyas, are going to support your teleserye and your movie na hindi kaya ng mga kapuso.
Finally naawa na din ang Dos kay Retsard