KASAMA namin sa nabanggit na restaurant si Ruffa Gutierrez at ang ilang mga kaibigan niya, pati ang pinsan niyang si Joel del Prado at misis na si Carla. Habang nagkakasiyahan kami, lumapit sa table namin ang photographer na si Marc.
Nag-congratulate siya kay Ruffa para sa partisipasyon ni Richard Gutierrez sa Bench. Sa pagtsitsikahan nina Ruffa at Marc, nabanggit ng huli na may chemistry sina Richard at Maine Mendoza. Ang dalawa ang magkasama sa isang segment ng nasabing event.
https://www.instagram.com/p/BbrGxuAAWIx/?hl=en&tagged=mainemendoza
Nabanggit din ni Marc kay Ruffa na sana ay magkaroon ng project together sina Richard at Maine.
Actually, marami rin ang nagkomento na puwedeng pagsamahin sa isang project ang dalawa.
Marami nga kasi ang natuwa na sila ang magkasama sa segment na ‘yon ng Bench fashion show.
Malabo nga lang na sa isang television project sila magkasama dahil kung nasa Eat Bulaga si Maine, nasa ABS-CBN naman ngayon si Richard bilang Supremo sa top-rating fantaserye na La Luna Sangre.
Anyway, nag-post ang Kapuso TV reporter na si Nelson Canlas sa kanyang Instagram account ng dalawang pictures na magkasama sina Richard at Maine. Ang isa ay kuha nga sa Bench fashion event at ang isa ay throwback picture na almost 10 years ago na.
“After almost a decade may picture na uli Maine Mendoza na kasama si Richard Gutierrez, pero this time hindi bilang isang fan, kung di isang star na din. @mainedcm #benchunderthestars Photo credits: @aubreycarampel @gmanews @gmanetwork” ang caption ni Nelson sa kanyang pinost.
https://www.instagram.com/p/Bbo6EVXlxsm/?hl=en&taken-by=nelsoncanlas
Going back to Ruffa, may pagka-‘stage ate’ rin siya talaga kay Richard dahil habang magkatsikahan kami, iniisip niya kung ano ang magandang project na puwedeng pagsamahan ng kanyang kapatid at ni Maine? Hindi mawala sa isip ni Ruffa ang sinabi sa kanya ni Marc.
Actually, gustung-gusto talaga ni Ruffa si Maine dahil nababaitan siya sa dalaga. Sa tuwing nakakasama niya si Maine sa Eat Bulaga (kapag nasa studio ang dalaga), magiliw ito kay Ruffa.
Madalas nga, nagpo-post pa for picture ang dalawa at ang ibang mga kasamahan nila sa Eat Bulaga.
Pagpapaseksi ni Solenn aprub kay Nico
NAKITA namin sa restaurant sa BGC si Solenn Heussaff kasama ang ilang mga kaibigan including top photographer Marc Nicdao. Nag-enjoy si Solenn sa partisipasyon niya sa Bench fashion show.
Sobrang sexy ni Solenn sa nasabing event at kahit misis na siya ni Nico Bolzico, hindi pa rin siya nagpapigil sa pagrampa na naka-two-piece.
Naiintindihan ni Nico ang trabaho ng kanyang misis, kaya mukhang wala naman itong restrictions sa mga isinusuot ni Solenn.