“IT’S SO Refreshing to see Richard (Gutierrez) again!”

‘Yan ang komento ni Joey Abacan (GMA Network, Inc. First Vice President for Program Managament) pagkatapos niyang mag-judge sa Miss World Philippines 2016 noong Linggo sa Manila Hotel kung saan muli silang nagkita ng tingurian niyang dating precious actor ng GMA 7 na nagsilbing host nang gabing ‘yon sa nasabing beauty pageant.

Dagdag pa ni Joey, “Nakaka-miss si R­ichard. Ang dami rin naming projects na pinagsama­han noon sa GMA, lalo na ‘yung mga pelikulang ginawa niya sa GMA Films.

“Napansin ko nga, very fit ngayon si R­ichard. Ang laki ng i-pinayat niya. Pati ‘yung suit na suot-suot niya that night, bagay na bagay sa kanya!”

Natuwa rin si Joey dahil si Richard ang kinuhang host ng Miss World Philippines 2016 coronation night na ipinalabas sa SNBO ng Kapuso network noong Linggo.

“He’s good. Bagay si Richard na host ng Miss World Philippines 2016 coronation night. At least, nagkatrabaho uli kami dahil nag-judge naman ako,” dagdag pa ni Joey.

“It’s so nice, na parang Anak mo na nakita mo uli after a long time ng pagkakawalay.

He’s always nice naman sa akin, actually sa amin. Kahit wala na si Richard sa GMA, kapag aksidenteng nakikita namin siya, siya talaga ‘yung u­nang lumalapit at bumabati. Saka kami ni R­ichard, never talaga kaming nagkaproblema!”

Bale ang Viva ni Boss Vic del Rosario ang huma­wak ng TV co­verage ng coronation night ng nasabing beauty pageant at blocktimer sila sa Kapuso network.

Ang fans naman ni Richard, natuwa na mu­ling napanood sa Kapuso network ang original Primetime King ng GMA 7.

Marami rin sa fans ang nagsabing gustung-gusto nila ang itsura ngayon ng aktor. Napakamatipuno raw ngayon ni Richard at halatang alagang-alaga ang katawan.

Ang alam namin, mapili na sa pagkain si Richard. Pareho sila ng lovey-dovey niyang si Sarah Lahbati na mapili sa kinakain. Madalas din silang mag-training.

Kadalasan, kapag may trabaho si Sarah, mag-isang nagte-trai-ning si Richard.

Sa rami rin ng activities ni R­ichard ngayon, hindi niya kinakalimu­tang alagaan ang kanyang pangangatawan.

Komento nga ng marami, mas yummy-licious ngayon si Richard. Yummy na, delicious pa ang aktor, kaya naman ‘kakainggit daw si Sarah, huh!

* * *

Speaking of Sarah, noong Sabado na birthday ng anak nina Elvis at Alexa G­utierrez, may rehearsal siya, kaya tanging ang mag-ama niyang sina Richard at Zion lang ang nasa party.
Si Zion, ang cute-cute na dala ang kanyang laruang electric guitar.

Sabi ni ion, rockstar daw siya!

Sa tuwing kinukunan namin ng litrato si Zion, panay ang pa-beautiful eyes niya at artistahing-artistahin ang dating niya, manang-mana sa kanyang parents, huh!

Feeling nga namin, type na rin talagang mag-artista ni Zion, ayaw pa nga lang nina Richard at Sa­rah, feeling ang lola na si Annabelle Rama, palaging sinasabing puwede na talagang mag-artista ang apo.

During the party, nagulat kami kay Zion nang magtatakbo siya sa kanyang “Dada” Richard.
Hinila-hila niya si Richard dahil may nakita raw siyang dalawang paniki sa labas ng clubhouse kung saan nag-party si Aria.

Aba, nang samahan namin ang mag-ama sa labas, tama nga si Zion, may dalawang paniki talaga na nakasabit sa may kisame ng nasabing clubhouse.

Tuwang-tuwa si Zion sa dalawang paniki na nakita at tila hindi siya takot at matapang din na katulad ng kanyang tatay, huh!

Si Richard naman, natutuwa lang na pagmasdan ang reaksyon ni Zion sa dalawang pani­king nakita.

* * *

Biniro naman namin si Bisaya tungkol kay Zion.

Kapag kasi sina Richard at Sarah ang kausap ng bata, mas madalas na English ang salita nito.

Pero ngayon, napapansin namin na mas nagta-Tagalog si Zion.

“Tita, siguro ang dalas mong kausapin si Z­ion,” natatawang tanong namin kay Bisaya na nakuha kaagad niya ang ibig naming tukuyin at itinuro ang yayo nila na si Rudy na dahilan kung bakit matatas sa Tagalog ang bata.

During the party nga pala of Aria, ikinaloka ni Bisaya na na-late ang dalawang lechon na dapat sana ay kasama sa mga handa.

Sa sobrang traffic, hindi na ‘yon umabot.

Eh, sina Mother Lily Monteverde at Malou Choa-Fagar (TAPE, Inc. executive) pa naman, nagke-crave sa lechon at nakaalis na ang mga ito, pero wala pa ring dumarating na lechon, kaya ang ginawa na lang ni Bisaya, pinadalhan na lang sina Mother Lily at Malou sa kani-kanilang bahay.

Exaggerated din naman kasi ang traffic noong Sabado, ‘noh?!