Nakakatuwang malaman na sa ilang taong pamamalagi ng aktor na si Richard Gomez sa Ormoc City ay kaagad niyang natutunan ang salitang Bisaya. Naging bihasa na ito.
Kuhang-kuha na ni Goma ang tamang diction at tamang intonation ng salitang Bisaya.
At sa tuwing may free time si Goma, nagbo-vlog siya at ipinapakita niya ang kanyang simpleng buhay roon.
Sa kanyang bahay, may mga alaga siyang native chicken at kapag wala siyang ulam ay pupunta lang siya sa mga pugad. Kukuha ng organic egg para lutuin.
Kahanga-hanga si Richard dahil lie low ang marangyang buhay niya sa showbiz para maging public servant sa bayan ng kanyang magandang esposa na si Cong. Lucy Torres Gomez.
Actually, bago siya naging alkalde ng Ormoc ay hindi naman nawala si Richard sa sirkulasyon pero masasabing ito talaga ang kanyang calling.
Anyway, more raw and simple vlogs pa, Mayor Richard Gomez, nakaka-proud na mapakinggan ka in full Bisaya. (