KUNG sa karamihan ng mga biyahe nila ay may kasamang yaya sina Ric­hard Gutierrez at Sarah Lahbati para sa anak nilang si Zion Lahbati, sa last family vacation bon­ding nila sa Eskaya Resort sa Bohol eh silang tatlo na lang ang magkakasama.

Sabi ni Richard sa chat namin, hangga’t maaari kasi, gusto nila ni Sarah na i-enjoy si Zion habang bata pa ito.

Kapag mga ganoong biyahe, basta kaya nila na sila lang tatlo, hindi na sila magsasama ng yaya.

Sabi namin kay Ric­hard, cute ‘yung picture nila ni Zion na pinost ni Sarah sa Instagram kung saan ay naliligo silang mag-ama.

Napakaraming nag-like sa picture na ‘yon.

“Sarap lang ng bonding naming tatlo!” sey ni Richard.

Sarah Lahbati
Sarah Lahbati

Balik-trabaho na si Richard sa La Luna Sangre at halos araw-araw ang taping nila, pero OK lang dahil fully recharged siya sa bakasyon nila nina Sarah at Zion sa Bohol.

Kuwento pa ni Richard, may malaking sorpresa ang La Luna Sangre para sa kanilang loyal viewers.

“’Yon ang dapat abangan, malapit na ang announcement tungkol doon!” sey pa ng aktor.

***

Enrique at Liza
Enrique at Liza

Nakatsikahan namin ang former singer na si Lerma de la Cruz (Cailles) na based sa Daly City, California.

Hindi na kumakanta si Lerma, pero successful show producer/promoter na siya sa Amerika at Canada (paminsan-minsan ay may Europe shows din siya).

Kuwento sa amin ni Lerma, may One Magical Night show ang loveteam na LizQuen nina Liza Soberano at Enrique Gil kasama si Bea Alonzo na magsisimula sa Oktubre 27 sa San Francisco at the next day ay sa Los Angeles, then sa Seattle sa Oktubre 29.

Pupunta rin ang grupo sa Honolulu sa Nobyembre 3 at nasa Maui naman sila the next day.

Madalas na magprodyus ng shows para sa Star Magic talents si Lerma dahil malapit siya sa Kapamilya stars.

Kapag nasa Amerika ang Kapamilya stars na malalapit kay Lerma, madalas niyang makasama ang mga ito sa lunch o dinner.

“’Yung relationship ko naman sa kanila, hindi lang hanggang sa shows na ako ang producer o promoter.

“Karamihan sa kanila, hindi na iba ang turing ko, kaya kapag nasa Bay Area sila, madalas nakaka-lunch o dinner ko sila,” sey ni Lerma.

Maja Salvador
Maja Salvador

May mga pagkakataon din na may ibang artistang nag-iinarte rin sa ilang shows ni Lerma, pero quiet na lang siya tungkol doon at hindi na lang niya kinukuha uli para hindi na lang siya magkaproblema.

Isa si Lerma sa mga producer at promo­ters sa Amerika na wala kang maririnig na nagrereklamong artista.

Si Lerma rin ang magdadala kina Maja Salvador, Joseph Marco, Wendell Ramos at Pooh sa ilang city ng Canada ngayong Nobyembre.

***

Kung ang mga nabanggit na artista ay sa Amerika at Canada magsu-show, ang ilang alumni ng Miss Saigon na nagtanghal sa iba’t ibang bansa ay sa ‘Pinas magsasama-sama sa show na Off Broadway Manila.

Sa Setyembre 15 nang 8:00 PM ‘yon magaganap sa Intramuros Ballroom Manila House, Net Park Building sa Bonifacio Global City (BGC).

Isang gabi lang ang Off Broadway Manila na prodyus ng anak ng movie producer na si Mr. Jesse Ejercito, si Ms. Jerianne Ejercito.

Ang ilan sa Miss Saigon alumni na kasama sa Off Broadway Manila ay sina Tricia Canilao, Jon Joven, Miriam Marasigan, Christine Marquez at Meliza Reyes.

Si Tricia ay nag-perform sa Miss Saigon sa Holland at United Kingdom at nakasama rin siya ng cast ng Miss Saigon sa Asian tour nito.

Naging Kim, Gigi at Ellen siya sa iba’t ibang Miss Saigon na sinalihan niya.

Si Miriam ay gumanap na Kim sa Miss Saigon sa Manila, United Kingdom at Australia.

Si Meliza ay naging Kim sa Miss Saigon sa Germany, samantalang si Cristine ay gumanap na Gigi sa Manila, Australia at United Kingdom shows ng nasabing musical.

Si Jon na nakasama sa show noon ni Mr. German Moreno (SLN) ay naging Thuy sa Miss Saigon sa Germany.

Ang musical director ng Off Broadway Manila ay si Rony Fortich na da­ting musical director sa Hong Kong Disneyland.