LET’S GET HITCHED! ang title ng cover story ng August issue ng Preview magazine kung saan nasa cover ang newly-engaged showbiz couple na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.
Ang sabi ni Raymond Gutierrez sa Instagram post nito, ang nasabing Preview cover at interview ang gift niya kina Chard at Sarah.
Ang nabanggit na engagement ang unang pasiklab sa Season 5 premiere ng It Takes Gutz To Be A Gutierrez ng pamilya Gutierrez sa E!
Sa Zermatt sa Switzerland nag-propose si Chard, na naganap nu’ng huli nilang bakasyon sa hometown ni Sarah.
Sa isang snowy spot na nasa background nila ang Matterhorn ibinigay ni Chard ang kumikislap na singsing na may malaking bato.
Halo-set diamond ito, na iba pa sa sapphire & diamond ‘promise ring’ na ibinigay ni Chard kay Sarah, na nakita ng press na suot ni Sarah kamakailan sa premiere ng pelikula nitong Ang Pagsanib Kay Leah Dela Cruz.
Nag-helicopter ride pa sila after ng swit-switang proposal ni Chard.
5 years na ang relasyong Richard-Sarah at 4 years old na ang cutie pie son nilang si Zion.
Wala pang napipiling petsa ang dalawa para sa kanilang kasal.
Sey ni Sarah, ang gusto nila ay malamig na lugar, so malamang ay sa abroad ito.
Ang happy siyempre ni Zion na ikakasal na sa wakas ang kanyang beautiful parents.
Ring bearer si bagets sa wedding.
Tiyak na maligayang-maligaya rin ang madir ni Sarah na si Mommy Esther Lahbati dahil magiging legal Gutierrez na ang kanyang unica hija.
Congrats & best wishes, SarChard!!!