Richard-Sarah weddin kumpirmado sa March 2020

NI: ALLAN DIONES

Tama ang hula namin na wedding ang ia-announce nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.

Sa presscon kahapon ng mag-sweetheart sa ABS-CBN ay pormal nilang inihayag na sa March 2020 magaganap finally ang kanilang inaabangang altar date after 7 years of being together.

Sa mga programa ng Kapamilya network mapapanood ang wedding details at updates, pati na rin sa iba’t platforms ng ABS hanggang March next year.

Ayon kina Richard at Sarah, kaya ‘yun ang napili nilang buwan ay dahil March naganap ang engagement nila sa Zermatt, Switzerland nu’ng 2017.

March din ipinanganak ang second son nilang si Kai. Si Zion ay April, pero malapit din daw sa March. At saka nag-align daw talaga sa month na ‘yon pati ang availability ng lahat.

Dito lang sa Metro Manila magaganap ang Richard-Sarah wedding, na ang sabi ni Sarah ay mga 50% na ng planning ang natapos nila.

Next month ay naka-schedule niyang kunin ang kanyang wedding dress somewhere abroad, na hindi niya binanggit kung saan. Small details na lang daw ang kailangan nilang asikasuhin.

Sure na magiging part ng entourage, most likely ring bearer or Bible bearer, ang two sons nilang sina Zion at Kai.

Ani Sarah, malapit nang maglakad si Kai, so by that time ay kaya na nitong maglakad mag-isa.

Sey naman ni Chard, sigurado ring may participation ang mga kapatid niya sa magaganap na kasalan, pero ia-announce na lang nila ito later on.

Old school romance ang general theme ng wedding, sabi ni Sarah. Lots of flowers. ‘Yun lang daw muna ang masasabi nila dahil hanggang March pa sila magbibigay ng details, so okey na raw muna ‘yon.

Siyempre ay may honeymoon pa rin sila after the wedding. Mga 6 months daw ‘yon, biro ni Chard. Kasama nila roon ang dalawa nilang anak.

Sa ngayon ay masaya raw sila with their 2 boys. Ie-enjoy daw muna nila ito at ang magiging married life nila bago sila mag-isip ng bagong baby.

May shortlist na ang SarChard ng mga kukunin nilang ninong at ninang sa kasal, pero mukhang madadagdagan ‘yon dahil sa madir ni Richard na si Tita Annabelle Rama.

Natatawang chika ng groom-to-be, may sariling guest list at listahan ng ninong at ninang ang mommy niya.

So, kung sa kanila ni Sarah ay mga 15 pairs, ‘yung kay Tita Annabelle daw ay umabot ng 30 pairs of godparents.

“There are two brides!” biro ni Sarah, sabay tawa.

They will try to meet halfway na lang daw, sabi ng bride-to-be, na ang brilliant suggestion sa mother-in-law-to-be niya ay mag-renewal of vows ito at ang mister na si Tito Eddie Gutierrez.

Sey ni Chard, hands on talaga ang nanay niya sa bawat kasal sa pamilya dahil ‘yun ang forte nito, kaya nagpapasalamat din sila rito.

Taong 2012 nang magtambal sina Richard-Sarah sa Kapuso soap na “Makapiling Kang Muli” kung saan sila nagkainlaban.

2013 nang mabuntis si Sarah kay Zion, na hindi biro ang pinagdaanan nito sa Switzerland, pero hindi raw siya nag-iisa dahil nandu’n si Chard at ang respective families nila.

Naiiba si Sarah sa lahat ng babaeng dumaan sa buhay ni Richard dahil sabi niya, “Siya lang ‘yung minahal ko nang ganito at siya lang ‘yung nagpasaya sa akin nang ganito.”

Sa Wednesday (October 9) ang 26th birthday ni Sarah, so parang birthday gift na rin daw ito sa kanya.

Masaya na raw siya na kumpleto silang magdi-dinner on her birthday dahil ganu’n lang daw ang gusto niya, simple but meaningful.